Chapter 23

50 3 0
                                    

Nasa art studio ako ngayon kasama ang kaklase kong Aira. Nagrequest kasi kami na kung pwedeng gumamit ng art studio para
Magpaint kasi vacant kami ngayon at walang kaming magawa ni Aira.


"Mabuti na lang talaga pinayagan tayo." Sabi ni Aira habang seryosong nagpipinta sa kanyang canvas.


Payaman kasi iyang si Aira samantalang ako tamang oslo paper lang at cartolina. Mayaman rin naman kami kaso saka na ako bibili ng canvas kapag kailangan na talaga. Matipid kasi ako.


Niyaya ko rin si Astrid dito para magpaint kaso tinamad ang luka sabi niya mags-stay muna siya sa library magbasa ng paborito niyang nobela.


"Maddie!" Sumala ang guhit ko dahil sa biglaang pagpunta ni Astrid. Seryoso akong napatingin sa paint ko. Napahilamos naman ako sa mukha ko at annoyed na tumingin kay Astrid.


"Oops sorry!" Nagpeace sign pa ito sa'kin. Bumuntong hininga pa ako. Magagawan pa naman ito ng paraan.


"Alis na kayo?" Tanong naman ni Aira na hindi pa rin inaalis ang tingin nito sa paint niya.


"Oo. Ingat ka diyan, Aira ha." Sabi naman ni Astrid at agad ako hinatak palabas ng studio. Ano na namang pakulo ng babaeng ito?

May naririnig akong sigawan sa covered court at dali-dali akong dinala roon ni Astrid. May laro pala ng basketball ngayon at halos lahat ng students ay narito.


"Since wala ang Estrellas. Si Nolan na lang muna ang ichicheer ko." Sabi pa ni Astrid at nakikipagsiksikan pa kami para lang makakuha ng magandang posisyon.

"Go Nolan! Kaya mo 'yan!" Todo cheer pa ni Astrid kay Nolan.


Ngayon ko lang ulit nakita si Nolan. I suddenly smiled because he was good today. Pero wala na yung same feelings tulad ng dati. Ewan, bigla na lang nawala e.

Nagcheer naman kami para sa school namin. Siguro naman pagkakataon na nila ito kasi wala ang Estrellas. Pero talo pa rin naman nila ang Malayan kahit wala ang Estrellas sobrang nadala lang kasi kahit school namin kapag narito ang Estrellas ay sa MCL nagchicheer. Mga bias talaga.


"Yes! Nanalo tayo beh!" Masayang sabi pa ni Astrid at nagtatalon pa habang papalapit kami kay Nolan. Napatingin naman siya sa'min at ngumiti ito.

"Feeling better already?" Tanong ko. Tumango naman siya sa'kin at bigla naman siyang niyakap ni Astrid.

Bigla tuloy akong napaisip kay Jacintha. Ano naman kayang nangyari sa kanila. Nagkatuluyan ba sila o ano?

"Galing mo brad. Wala Estrellas eh." Panloloko pa ni Astrid kay Nolan.


"Yabang mo. Puro kasi kayo Estrellas kaya kami natatalo. Minsan iniisip ko na nga lang kung saang school kayo napasok." Napatawa naman kaming dalawa ni Astrid. Kinuha ko ang phone at nag-ayang magpapicture sa kanila.


"Picture na lang tayo." Sabi ko pa. Inakbayan kaming parehas ni Nolan at sabay-sabay kaming ngumiti.


"Siguro 10 years from now kapag nakita ko ang picture na iyan. 'Ito yung time na first manalo ng DLSU laguna laban sa MCL'" Tumawa pa si Astrid at inirapan lang ito ni Nolan.


"Basher ka talaga, Astrid." At nagsitawanan na kaming tatlo.

*

Dahil nanalo si Nolan kanina at nagcheer kami para sa kanya. Deserve namin ang libre kaya naman nilibre na ulit kami ni Nolan sa Buffalo's wings N' Things.

When Two Hearts Met (Estrellas series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon