Parang chain reaction lang ang nangyari kina Zayden at Jacintha. Everyone is affected kahit ako. It was my first time crying over a man. Sobrang umasa naman kasi ako, sa sobrang
kakaasa ko ay nasaktan ako.Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagdradrawing para naman kahit kaunting oras lang ay malimutan ko ang sakit na nararamdaman ko. Now I fully understand, Zayden.
Sa sobrang preoccupied ko ay nagitla naman ako nang may kumatok sa pintuan na nanggagaling sa baba. Bumaba naman kaagad ako at binuksan ang pintuan. Bumungad ang mga Estrellas na ala-alalay si Zayden na lasing.
Dali-daling pumasok ang mga ito at nilapag si Zayden sa sofa pagkatapos ay pagod na pagod na umupo ito sa isa pang sofa."Salamat sa paghatid ninyo kay Zayden." Pagsisimula ko. Sobrang awkward kasi hindi rin ako makatingin sa kanila ng maayos. Lalo na kay Justine.
"Wala 'yun. Gawain naman talaga namin iyon." Sagot naman ni Justine. Napakagat ako sa labi ko. Halo-halo na ang nararamdaman ko. Malungkot, kinakabahan, natatakot. Parang anytime gusto ko na lang umiyak.
"Sana maging maayos na sina Zayden. Kasalanan ko ito. Sana ginawan ko ng paraan. Sana gumawa na ako ng paraan. Sorry! Nadamay pa kayo." At nagsimula ng tumulo ang luha ko. Lumapit naman sa'kin si Justine at niyakap ako nito.
"Sorry din Maddie. Naiintindihan kita. Hindi nga basta-basta maniniwala si Zayden sa iyo. Mahal niya iyon eh." Seryosong sabi niya.
"Ihahatid na namin ito sa kwarto niya." Sabi naman ni Christopher at tumango naman ako. Nakita kong gumalaw si Zayden at para bang may gustong sabihin.
"Gusto ko sa kwarto ni Maddie." Tumingin pa muna sa'kin si Chris kung papayag ba ako. Tumango na lang ako. Doon na lang ako sa kwarto niya matutulog.
"Tabi tayo matulog, Maddie!" Masayang sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Para siyang bata na tuwang tuwa at makakatabi na niya ang kanyang ina. Napatawa naman si Justine. Ganito ba talaga si Zayden kapag nakakainom?
"Ang lambot mo kasi. Para kang si barney. I love you! You love me! We're a happy family. With a big great hug and kiss from me to you. Won't you say you love me too." Napailing na lang si kuya Benj at tumawa na rin silang tatlo.
"Natatanga ka na Zayden. Kaya ayaw ka naming painumin e." Natatawang sabi ni Chris at pinagtulungan na ito nina kuya Benj papunta sa taas.
"Sa kwarto ni Maddie! Ayaw ko diyan!" Pagrereklamo nito.
"Mukhang naaaliw sa'yo si Zayden ngayon ah." Pang-aasar pa ni Justine. Hinampas ko naman siya sa braso at inirapan. Anong naaaliw? Lasing lang iyon kaya ganun.
"Taray talaga. Hindi ko alam kung bakit nakakatagal pa si Zayden dito. Sa bagay malambot ka nga daw." Hinampas ko pa siya ng dalawang beses sa braso niya at umaray naman ito.
"Nagtabi na ba kayo sa kama?" Bakit ba ang random ng tanong ni Justine. Namula ako ng banggitin niya iyon. Kasi nagtabi na talaga kami nung time na natakot siya sa kidlat. Ligalig kasi.
"I can tell that it's a yes." Hindi naman ako makatingin sa kanya. Nakakainis talaga kahit kailan si Justine pero nakakainis naman in a better way.
"I-ikaw ha. Kung anong pinagsasabi mo diyan at tsaka ang random ng tanong mo. At oo nga pala tigilan mo na nga ang kapatid ko Justine." Tumawa naman siya ng malakas.
BINABASA MO ANG
When Two Hearts Met (Estrellas series #1)
RomanceMadison Reign Montes, a 19 years old girl who wants to achieve her parents dream for her so she decided to study at Laguna but suddenly ended up staying with a stranger. Pero hindi niya alam na ang roommate niya ay isang sikat na gitarista ng isang...