"Beh kita ulit tayo. Sa Taza Mia ulit ah please be there kailangan pa rin kita."
Sobrang busy ako ngayon sa pag-eedit ng mga film. Mabilis lang kasi ako natapos sa pag-eedit ng mga picture tapos inassign nila ako pag-eedit ng mga film para mas mabilis namin matapos ito. Panigurado kinabukasan iba na namang team ang makakasama ko.
"Chinika mo lang ako noong isang araw, Astrid." Sagot ko pabalik sa kanya.
"Hoy hindi kaya. Tinanong nga kita kung okay na yung design ni Chris e." Napalayo naman ako sa telepono ko. Ang ingay talaga ng boses niya. Kahit mahina ay nakakarindi pero tiniis ko talaga ito nung eight years.
"Tapos kapag sinabi kong okay na may idadagdag ka na naman. Pinapahirapan mo kami." Sabi ko pa habang busy ang mga kamay ko sa pag-eedit.
"Hindi na nga promise. Nasabi ko na lahat kay Chris. Text mate na nga kami e. Pinagseselosan tuloy ni Austin." Sabi ko pa at narinig ko rin ang boses ni Austin na nagrereklamo sa kabilang linya. Nag-move in yung dalawang iyon kaya palaging magkasama. Kala mo'y mag-asawa na pero hindi pa kasal.
"Hoy Babe, umamin ka na. Alam ko namang nagseselos ka kay Chris. Kaya nga natatakot nang magtext sa'kin yung architect e." At narinig ko pa itong tumatawa. Bumuntong-hininga naman ako dahil hindi talagang matinong kausap si Astrid.
"So anyways punta ka ha. Chika na rin tayo mamaya." Sabi na nga ba e. Iyon lang naman ang gusto non. Makipagchikahan sa'kin, ginagawa niya lang excuse yung kay Chris.
"Oo na. Siguruduhin mong maganda ang ichichika mo." Sabi ko pa at narinig ko siyang humalakhak. Ano ba kasing nakakatawa? Kanina pang tawa ng tawa dito si Astrid e.
"Baka ikaw ang may ichichika!" Napataas naman ang kilay ko.
"Ano namang ichichika ko sa'yo. Trabaho?" Tanong ko sa kanya. Napatingin naman ako sa co-worker ko at sinenyasang tumahimik. Napalakas ata boses ko.
"Oo naman. Kung paano mo shinoot yung part na kumakanta na si Zayden noong Binibining Pilipinas?" Bakit ba lagi na lang akong inaasar kay Zayden? Sila na nga ang nagsabing maghiwalay kami tapos aasarin pa ako sa taong iyon.
"Tigilan mo ako, Astrid! Wala akong ichichika sa'yo." Sabi ko naman habang gigil na gigil na nag-eedit ng Film dito. Bakit ba ako nanggigil ng ganito? Pati sa computer pinapasa ko ang init ng ulo ko.
"Basta kita tayo mamaya ha." Basta niya na lang pinatay ang tawag at nabigla naman ako ng sitahin ako ng co-worker ko.
"Huy masisira ang computer!" At nahihiyang nagpeace sign ako with matching awkward na ngiti.
*
Pagkatapos na pagkatapos ko sa aking trabaho ay pinuntahan agad akong Taza Mia para kitain si Astrid. Hanggang ngayon cafe pa rin ang pinupuntahan ko para lang makita si Astrid. Adik talaga sa kape ang babaeng iyon.
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng Taza Mia at natanaw ko na agad si Astrid sa malayo kasi nga light violet na ang buhok niya. Maganda naman sa kanya kasi pumuti na siya. Dati kasi morena iyan kaso na conscious at nagsimulang bumili ng gluta nung college. Pagkatapos niyang mamuti ay balak niyang magpakulay ng buhok nang makagraduate kami.
"Beh tingnan mo ito! Ang ganda." Excited na sabi ni Astrid habang pinagmamasdan ang design na ginawa ni Chris. Actually mas maganda na siya sa kumpara nung ginawa ni Chris nung una.
"Sure na iyan, Astrid ah. Nagpatong-patong na ang mga projects ko gawa mo." Sabi pa ni Chris. Nanlisik naman ang mga mata ko kay Astrid at binigyan ako ni Peace sign.
BINABASA MO ANG
When Two Hearts Met (Estrellas series #1)
Roman d'amourMadison Reign Montes, a 19 years old girl who wants to achieve her parents dream for her so she decided to study at Laguna but suddenly ended up staying with a stranger. Pero hindi niya alam na ang roommate niya ay isang sikat na gitarista ng isang...