Chapter 17

50 3 0
                                    


"Nolan!" Nakita ko siyang nakatulala habang hinihintay ako sa isang bench sa labas ng school. Sinubukan ko ring kumaway sa kanya pero hindi niya pa rin ako pinapansin kaya naman nagpasya akong gulatin siya.

"Hoy!" At nagtagumpay naman ako roon. Muntik na siyang mapatalon sa kanyang inuupuan dahilan kung ako napatawa.

"Lalim ng iniisip mo ah." Sabi ko pa at tumabi sa kanya. Tumingin siya sa'kin at agad niyang ginulo ang buhok ko. "Tara na sa loob. Usapan pa naman natin 6:00 ang kitaan pero dumating ka 6:30 na." Nag peace sign ako at sabay na kaming pumasok ng school.

"Would you mind telling me what's bothering you?" Kanina pa kasi siyang tahimik at parang ang lalim ng iniisip kaya hindi ko na mapigilang magtanong.

"Wala 'yun, Maddie. About sa group project lang namin sa accounting." Sinubukan niyang ngumiti sa'kin at inakbayan ako. Medyo nasasanay na ako sa mga galawan niyang ganito pero ngayon parang naaawa ako kay Nolan.

Alam kong may connect ito sa break up nina Zayden at Jacintha. Naiinis talaga ako sa babaeng iyon. Hindi ko na rin alam kung anong pumapasok sa utak ni Jacintha. He's hurting two men in a same day. Iba talaga siya.

"Sure ka?" Tumango naman ito sa'kin.

Habang naglalakad kami sa hallway ay nakita ko si Astrid na papalapit sa'min. "Alam mo na ba ang nangyari kina Jacintha at Zayden?" Itinututok pa niya ang phone niya sa mukha ko.

"Break na sila!" Medyo tuwang tuwa na sa sabi ni Astrid pero sandali lang nawala ang ngiti nito sa labi ng makita kaming hindi natutuwa.

Describing Zayden's situation...walang kabuhay-buhay talaga ngayon. Hindi man lang kami nagpapansinan tsaka sobrang aga niyang gumising ngayon. 3:00 ng umaga nakikita kong naggigitara na naman siya. Kumbaga iyon na lang siguro ang paraan para makalimutan ang sakit.

Tapos ito namang si Nolan kanina pang tahimik at para bang sobrang lalim ng iniisip. Pinipilit niya pang itago ang tunay niyang nararamdaman pero hindi niya kaya.

"Why are you not smiling? Isn't a great news! Sinasabi ko na nga ba, hindi naman kasi talaga mahal ni Jacintha si Zayden. She's a complete user. Everybody's bashing her already kasi siya ang dahilan kung bakit nag break up ang mga ito. She's a bitch using other people for fame at si Zay—" Tinakpan ko na ang bunganga ni Astrid. Alam kong gusto niya ang nangyayaring ito pero hindi lahat. Alam ko rin na hindi na natutuwa si Nolan sa mga sinasabi ni Astrid kasi kahit siya ay apektado rin.

"You don't know the whole story, Astrid. So shut up!" Binangga niya ito sa balikat at tuluyan ng umalis. "What the f*ck is going on with him? Kakampihan niya ang malanding babaeng iyon? Gosh! He's really unbelievable. Sinaktan na nga siya." Galit na galit na sabi ni Astrid at bigla na itong umunang pumasok sa classroom namin.

Bumuntong hininga na lang ako. Lahat ay nagkakagulo dahil sa break nina Jacintha at Zayden. Some understands but most of people kept on bashing and making the issue even worse. Just like Nolan said, we don't know the whole story. What if kaya niya ginawa iyon dahil may rason. Pero nakakainis pa rin kasi mali pa rin iyon.

*

"She deserves that. Landi kasi." Sabi ni Astrid habang nanlilisik ang mga mata niya kay Jacintha.

"Can't you stop bashing for a while? Tapos na akong kumain tapos ikaw susubo pa lang?" Kanina niya pa kasing inuulit iyon.

"I can't! Sobrang naiinis talaga ako sa kanya." Napahalumbaba naman siya at tinaasan niya ako ng kilay. She's always like this today. Parang laging may kaaway.

"Kumain ka muna kasi. Iiwan talaga kita diyan." Bago pa siya sumubo ay kailangan may bash muna. Napapahilamos na lang ako sa mukha ko.

"Diba galit na galit ka din naman kay Jacintha? Bakit hindi mo siya binabash? 'Wag mong sabihin naaawa ka ngayon sa kanya?" Oo, naaawa talaga ako kay Jacintha kahit na kinalmot niya at sinabunutan nung isang araw. Tsaka ayaw ko siyang ibash. Ang daming taong magiging apektado.

When Two Hearts Met (Estrellas series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon