Nagtama ang tingin namin ni Zayden. Well actually sa camera siya nakatingin. Buti na lang talaga nakasumbrero ako at nakamask. Kung hindi baka malaman niya pang ako ito.
"Putek, ayaw ko ng maging cameraman." Bulong ko pa sa sarili ko. Halos hindi na nga ako makahinga dito.
He just swaying ang singing beautifully. Ang daming improvement sa kanyang boses and it's just perfect. Ang sarap lang pakinggan. Even the audience are into to the song that he is singing right now.
Napansin ko rin na ito yung kinakanta ni Melanie sa bahay kapag nagawa ito ng assignments niya. Fan pala ang batang iyon. Akala ko nga doon na siya mags-stay sa New York e tapos nakakabigla at makikita ko pa siya dito.
Maya-maya dumako na sila sa Question ang Answer portion sinundan ko pa ng tingin si Zayden nung pumunta ng back stage para doon bumaba. Nakita ko pang nakipag-usap ito sa mga ibang co-workers ko.
"Miss Montes, your camera is not moving." Nabigla naman ako ng marinig ang boses ng boss namin sa ear pierce ko at ginawa ko na ulit ang trabaho ko.
Mahihirap yung mga tanong ng mga host sa mga contestants tapos on the spot mo pang sasagutin. Kaya hindi talaga ako nasali sa mga ganan. Pero kung matalino ka naman talaga ay posible mo namang maisagot iyan.
Magaganda rin naman ang mga sagot nila kaya medyo nahihirapan akong hulaan kung sinong mananalo. Feeling ko nga nagpupustahan na sina Kuya Matthew at Ate Madilyn sa bahay kung sinong mananalo. Abang na abang kasi nila ito.
Then nanalo si contestang number ten at number four yung model na pinulupot yung braso niya sa braso ni Zayden. Hindi ko ineexpect na siya ang makakasama sa top two pero yaina. Kinamalayan ko ba criteria nila.
Abang na abang naman ang lahat sa Question and answer portion nila. Kahit ako kasi gusto ko kasing makarinig ng maganda sagot sa question na ibibigay sa kanila.
Nung naibigay na ng host ang tanong ay napaisip naman kung anong pwede isagot pero napailing na lang ako. Ang hirap kasi ng tanong e. So far maganda naman ang sinagot ng dalawa medyo pumiyok ng kaunti si contestant number four at buti na lang talaga pinigilan kong tumawa.
They were holding hands while waiting for announcement of the next binibining Pilipinas. "The next Binibining Pilipinas 20xx is...." Napacross finger naman ako at pinapanalangin ko na sana si contestant number ten ang manalo.
"Contestant number ten, Caryl Dizon Samonte."
Napapalakpak naman ako sa tuwa. Siya kasi ang inaasahan kong mananalo. Nakita ko pa silang nagkayapusan ni Contestant number four habang iba naman ay bumabati kay Caryl ng congratulations.
After ng coronation night ay namahinga muna kami sandali sa back stage. Everybody was hugging at each other and greet each one of them a congratulations. Tapos nakikita ko pang nagpapapicture pa sila kay Zayden.
"Uy Maddie! Papicture naman ako kay Zayden oh." Umiling ako. Baka mapansin pa ako nan. Iniiwasan ko na nga e."
"Damot mo. Dali na! Nahihiya ako sa mga ibang photographers e. Ikaw lang naman ang kaclose ko." Umiling pa ulit ako pero kinulit pa rin ako ng kinulit ni Kylie. Ang kulit na fashion designer.
"Sige na pero isang shot lang." Sumimangot naman siya sa sinabi ko.
"Paano kung gusto ko pa ng wacky?" Napabuntong-hininga naman ako. Kailangan talaga may wacky pa.
BINABASA MO ANG
When Two Hearts Met (Estrellas series #1)
RomanceMadison Reign Montes, a 19 years old girl who wants to achieve her parents dream for her so she decided to study at Laguna but suddenly ended up staying with a stranger. Pero hindi niya alam na ang roommate niya ay isang sikat na gitarista ng isang...