Chapter 10

62 5 0
                                    

"Pwedeng makipagsleep over sa Saturday?" Kilig na kilig na tanong sa'kin ni Astrid. Sayang talaga si Astrid. Dapat kasi hindi muna umuwi eh. "Nako, uuwi kasi ako ng Saturday tapos babalik ako dito ng Sunday ng tanghali na." Sagot ko. Kailangan ko ring umuwi para naman hindi ko mamiss bahay namin. Medyo busy rin sina ate this week eh.

"Ahh ganun ba? Sayang naman. Pinauwi kasi agad ako ni papa." Malungkot niyang sabi. Sabay na kaming pumasok sa classroom at malungkot siyang umupo sa upuan niya. "Sayang talaga. Kakaenjoy ba silang kasama?" Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Well except kay Zayden." Sabi ko sabay irap.

"Ang swerte mo talaga, Maddie!" Sabi niya. Pinalupot niya ang kanyang mga braso sa aking braso at nagliligalig sa aking tabi. "Ano ka ba naman Astrid. Anong swerte roon?" Natatawa kong sabi. Like tao rin naman sila na gumawa ng pangalan sa larangan musika. We can be like that too kung magpupursigido ka.

"Kung fan ka saka mo lang maiintindihan." Sabi nito at tinapik ako sa balikat. Maya-maya ay dumating na ang prof namin.

Sa wakas magpepaint na kami pero basic pa lang naman daw. Painting is my favorite part and I'm so excited to create one. Nawalan lang ako ng gana nung binanggit ng prof na idrawing daw namin ang mga taong pinakaayaw namin. So kailangan si Zayden ang idrawing ko?

"I want you to make the drawing creative despite of your hate to that random person. Because in arts you have to learn to love it all. It looks like a mess in which you hate it but once you look closely in it you'll see beauty in it." Habang sinasabi iyon ng prof ay sinimulan ko ng magdrawing. Si Zayden lang ba talaga ang taong pinakaayaw ko? Wait... si Jacintha!

"Sinong idradrawing mo?" Tanong bigla sa'kin ni Astrid. "Si Jacintha." At bigla niya akong hinampas. Ang bigat talaga ng kamay nito. "Akin yun. Si Zayden na lang iyo." Sabi niya at pinagpatuloy na niya yung drawing. Eh yung mga kagrupo na lang ni Jacintha? Hindi ko naman saulo ang mukha ng mga iyon.

Si Zayden na lang talaga choice ko.

Nagsimula muna ako sa mukha. Saulo ko na mukha ng lalaking kasi syempre roommate ko. Pero ang gusto kong idrawing ay yung time na nakangiti siya sa stage habang kinakantahan niya si Jacintha. He has a precious smile. Nag start muna ako sa mata niya. Singkit ang lalaking iyon kaya naman pag nakangiti ay halos wala ng mata kapag nakangiti. Tapos yung kilay niya siguro mga 1/4 or 1/3 lang ang kita kasi nakabangs iyon pero hinahati niya sa gitna kasi mahaba na. Yung ilong naman, kala mo sa unang tingin ay pango kasi hindi medyo pointy yung nose niya pero pag nakaside view matangos talaga siya tsaka parang soft lang. Ang cute kaya ng ilong niya.

Shit...madradrawing ka lang Maddie hindi mo na kailangan purihin ang mga detalye ng mukha niya.

Nang matapos ako sa ilong ay yung labi naman, pinakagusto ko talagang part ay yung labi niya. Kasi ang ganda ng shape kumbaga parang perfect shape ng labi tapos ang pinkish pa tapos mukhang ang soft pa. Napapikit ako ng mariin, Ano ba itong pinag-iisip ko. Pero hindi totally na labi ang idradrawing pati ngipin kasama kasi nga nakangiti siya.

Bilog ang mukha nito pero kapag nakaside view chang gala parang anytime pwede kang mahiwa sa jawline niya kapag hinawakan mo iyon. Talking about his ears. Naghihikaw yun eh. Tapos ang hikaw pa nun yung hoop na tama lang ang laki. Nung una akala ko talaga pangit sa lalaki ang nakahikaw pero nang makita ko ito pwede naman pala depende rin kung babagay sa'yo. Yung hair niya naman ay medyo kulot nung time na iyon pero straight talaga buhok niya. Ang gulo kasi ng lalaking ito.

Nakatapos na ako sa mukha niya kaya dumako na ako sa katawan. Natandaan ko tuloy yung legendary abs na tinutukoy nila habang nagsisimula na akong magdrawing ng katawan niya. Maya-maya ay nakatapos na ako. Kamukha niya naman yung nasa drawing kaya okay na ito. Tapos ginamit ko yung stage nila as background pero may gagawin akong kakaiba roon kapag kukulayan ko na.

When Two Hearts Met (Estrellas series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon