OMC 20 ---

684 31 3
                                    

Jeron's POV

.

Nandito ako ngayon sa Starbucks. Dito kasi kami magkikita ni Jane. Nag text siya sakin. May sasabihin raw kasi siyang importante. Excited na nga ako , baka kasi goodnews. Nauna na nga akong pumunta.

*

Tanaw na tanaw ko na siya sa pintoan na simple lang ang suot. Naka olive green longsleeve at white skinny jeans lang siya. Binigyan ko siya ng ngiti. Yung ngiti ko na sa kanya ko lang pinapakita.

Pero ang ikinibigla ko ay ang pananatili pa rin ng cold niyang mukha at hindi man lang niya ito sinuklian. May problema ba siya? Ito ba yung sasabihin niya ngayon?

*dug...dug...

"Hi." Bati ko at pinaghila ko siya ng upuan pero nakatitig lang siya sa akin , cold. Alam kong may problema talaga.

"May problema ba ?" Tanong ko kahit alam ko na ang sagot. Halata naman sa mukha at galaw niya.

"Let's break" yan ang sinagot niya.

"Let's break"

"Let's break"

"Let's break"

"Let's break"

W-why ?

"Hindi na magwowork tong relationship natin. Kaya mag break na tayo. Ayoko na" malamig na malamig niyang sinabi. Mas malamig pa sa iniinom ko kanina.

"W-why? Ba-bakit ? May nagawa ba akong di mo nagustuhan? Tsaka kinaya naman natin yung pagsubok natin nung nakaraang week ah , nung pagdating ni Axel. Pinaglaban mo pa nga a--"

"Rebound"

"What?" Naguguluhan kong tanong. Rebound sa alin?

"Ginawa lang kitang rebound dahil hanggang ngayon mahal ko pa rin si A-axel. Hindi naman talaga kita minahal eh. Bestfriend lang tingin ko sa'yo. Tsaka nung nakaraang linggo na , hinila kita at pinili kita nung nalaman ko pang buhay siya? Naku! Naawa lang ako sayo nun. Kawawa kana kasi"

No! No! Hindi totoo tong naririnig ko ngayon. Hindi totoo ang pinagsasabi ni Jane. Alam kong mahal niya ako , minahal niya ako ng tunay. Ramdam ko.

"No. Alam kong minahal mo ako the way you smile, the way you laugh, the way na kasama mo ako at mga moments natin. Jane , pls sabihin mo sakin kung may prob--"

"Ano ba!? Tama na ! Ayoko na nga sabi eh. Hindi kita minahal , rebound ka lang"

</3

Ang sakit. Ang sakit sakit. Nung nakaraang linggo lang , sinasabi ko pang okay lang kung si Axel piliin niya basta naramdaman ko lang na minahal niya ako at kahit sa sandaling panahon ay naging kami , pero ngayon. Ito , sinasabi niyang mahal niya pa rin pala si Axel.

"Pero yung mga sma--"

"Ano ba!!! Don't you understand ? Wala lang yun , n-napipilitan lang ako nun"

"But..."

"Shut up dude. You heard her. You're just a rebound" sabay sulpot ni Axel na ngayon ay nakaakbay kay Jane.

"Goodbye Jeron. Thanks for loving me"

"N-no!"

"Halika na A-axel. Hayaan mo na siya!" sabay hawak niya sa kamay ni Axel at hinila siya. Naglakad lang sila ng dire-diretso habang nakapulupot yung kamay ni Axel sa baywang ni Jane. Hindi man lang lumingon ulit si Jane.

Totoo ba tong lahat ? Totoo bang hiwalay na kami ?

Kaya ko bang mag paraya?

Sana joke lang to.

T^T

Jane's POV

.

"Halika na A-axel. Hayaan mo na siya!" Yan ang huling sinabi ko kay Jeron bago ko hinila si Axel.

Hawak ako ngayon ni Ax sa baywang habang naglalakad kami palabas ng starbucks. Para pa nga akong baliw dito eh. Kasi mabilis na mabilis na tumulo yung mga luha ko. Halos lahat na ng tao ay sakin na nakatingin.

Gusto ko pa ngang lumingon kay Jeron kahit sandali lang pero di ko magawa , baka kasi malaman niya na umiiyak ako at nasasaktan.

Ang sakit-sakit ng puso ko habang sinasabi ko ang mga katagang yun. Feeling ko , buong katawan ko ay mababasag na.

Pagkalabas namin ng starbucks ay kaagad kong tinanggal ang kamay ni Axel. Padabog kong tinanggal. Naiinis na ako! Ang sarap niyang bogbogin.

Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin sabay naunang lumakad at pumasok sa kotse niya.

- - - - - - - -

ILANG CHAP NA LANG ENDING NA.  WEHEHE! :"D

ANY GUESS ? SA MGA PANGYAYARI? WELL...

Oh! My Chinito (JaRon Fan Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon