OMC 21 ---

634 24 4
                                    

Jane's POV

.

Nandito ako sa kwarto ko ngayon. Nagsscroll ng mga pictures na nasa folder ng laptop ko. Lalagyan ko na nga ng password yung folder. Para wala ng makabukas. Actually puro pictures namin ni Jeron yung laman ng folder.

Sunod ko namang ginawa ay ang pag private,in'only me ko yung albums ko sa Facebook ko na kasama si Jeron. Para palabasin na hindi ko talaga siya mahal. Ang sakit lang.

Naalala ko na naman yung pinagsasabi ko kay jeron nung nakaraang araw. Sa tuwing naaalala ko yung scene na yun , naiiyak ako.

Kainis kasi yung Axel na yun...

*Flashback

Hayy! Saya lang ng buhay ko. Mas lalong pinasaya ni Jeron. Swerte ko naman kasi siya naging boyfriend ko. Nung nakaraang araw lang inis na inis ako kasi nalaman kong buhay pala si Axel at ngayon lang nagpakita ?

Hindi man lang niya naisip yung family niya , yung parents niya.

Ugh! Erase ! Erase ! Dapat hindi masira 'tong araw ko. Ang saya-saya ko pa naman ngayon--scratch the ngayon. Araw-araw pala. :")

Naglalakad ako palabas sa garden ng napansin ko may tao sa labas. Sino ba yun? Si Axel na naman ba yun?

Imbis sa garden ang punta ko ay naglakad na lang ako papuntang gate para lumabas. Wala naman siguro siyang gagawing masama sakin. Tsaka kung meron man , meron naman yung guard namin.

Kakausapin ko siya.

"Ano na naman bang ginagawa mo dito?" Pagalit kong tanong.

"Jane , pls. Please! Comeback to me , please" sabay luhod niya.

"Ano ba! Itigil mo na nga 'to. Wala nang tayo , diba , sinabi ko ng may mahal na akong iba"

Tumayo siya galing sa pagkakaluhod niya.

"Kung ayaw mong makipagbalikan sa akin. Magpapakamatay ako! Sana pala natuluyan na lang akong mamatay. Sana pala hindi na ako nagising galing sa pagkacoma!"

"A-ano ba axel! Wag mo ngang sabihin y-yan" kinakabahan kong sinabi. Kinakabahan talaga ako eh. Baka ituloy niya ang pagpapakamatay niya.

"Kung para sa'yo. Gagawin ko. Magpapakamatay ako para lang sa'yo , para bumalik ka lang sa'kin."

"P-pls. Wag mong gawin yan Ax" mahinahon kong sinabi.

"No! Pls. Makipagbalikan ka. Pls"

"O-o-okay" sabay tulo ng luha ko.

"Really?" Lumapit siya sakin at niyakap ako. "Ang saya-saya ko. Hiwalayan mo na si Jeron ha? Akin ka lang"

Hindi na ako sumagot pa. Sising-sisi ako. Bakit pa kasi to nangyayari? Nooo!!! I love you so much Jeron.

- - - - - -

"By , hiwalayan mo na ngayon si Jeron ha? Kundi magpapakamatay ako" Nakangiting sinabi ni Axel.

Sinamaan ko siya ng tingin. At nag start ng magtype sa phone ko. Nanginginig pa nga yung kamay ko.

To Jeron :

'Je , magkita tayo sa starbucks. May sasabihin akong importante'

Sent!

"T-tapos na!"

"Good! Sasama ako sa'yo mamaya ha?" Nakangiti niyang sinabi.

Baliw na ata 'tong lalaki na to eh? Ano ba kasing nangyari dito? Naka drugs ba 'to?

Oh! My Chinito (JaRon Fan Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon