OMC 14 - Can I court you ?

1K 29 0
                                    

Jane's POV

.

Tahimik kaming lahat buong byahe. Sila Julia , Enrique , Jon at yung iba pa naming friends sa likod ay nagsa-soundtrip at yung iba naman natutulog.

Tong katabi ko namang si Jeron kanina pa tahimik. Nahihiya pa rin siguro sa nangyari kanina. Wala na nga yun sa akin kasi alam kong hindi niya talaga sinasadya. Kaloka naman tong si Jeron.

Nakayuko pa nga siya. Hindi pa siya napapagod kakayuko? Sakit kaya sa leeg niyan. Na try ko na nga yan nung bigla akong nakatulog sa eroplano na 'di man lang inaayos yung unan ko. Ang sakit talaga.

Gagalaw rin yung ulo niya minsan tapos aaction siyang titingin sa akin banda pero hindi pa nga nakakaharap bigla na namang yuyuko. Ano kayang pwede kong gawin para hindi na siya mahiya ? Hmmm..?

"Sir/ maam malapit na po tayo" sigaw nung driver nila Jeron.

Tiningnan ko yung labas at nakita kong malapit na nga kami. Yehey!! Namiss ko yung baby damulag kong si Charles. Kamusta na kaya yun ?Nilingon ko naman si Je , pero itong position ni Jeron ay hindi pa rin napapanis kasi same pa rin.

Ano ba yan , nakaraang araw at kanina lang pinapansin niya pa ako. Tapos ngayon hindi na. Nakakamiss rin yung tanong siya ng tanong at alala ng alala. Ganito kaya yung nafifeel niya nung hindi ko siya pinapansin ? Ang bad ko naman.

*poke *poke *poke

Dahan-dahang lumingon si Jeron and viola !!! Humarap na rin sa wakas.

"Y-yes ?"

"Ano ka ba Jeron. Wag ka na nga yuko ng yuko jan. Ako napapagod kakatingin sa position mo eh. Ok lang talaga. Alam ko namang hindi mo sinadya yun"

"R-really ? Sorry ulit"

Nag nod at smile lang ako sa kanya.

Jeron's POV

.

Actually , sinadya ko talaga yun. Hindi yung pagkakatapilok ha. Kaya ako natapilok kanina kasi panay rin ang tingin ko kay Jane. Hindi ko na na malayan yung bato. *kamot ulo*

Hiyang-hiya nga ako sa nangyari pero pinatawad niya na ako kasi hindi ko naman talaga sinadya yun. Ang sinadya ko talaga ay yung hindi pagpansin kay Jane. Haha!

Napansin ko nga na panay lingon niya sa akin. Sakit na nga ng likod at leeg ko kakayuko. Plinano kong hindi siya pansinin para ma ramdaman niya rin kung anong feeling ng hindi pinapansin and successful!! Pinansin niya na ako.

Pero pag naaalala ko yung kanina. Nahihiya ako kasi nahalikan ko yung ano niya... at plano ko na nga siyang tanongin ngayon kung pwede na ba akong manligaw.

Dialing Mang Nestor...

[Hello , sir ? Bakit ho?]

"Manong , pakihatid na po sila sa kanya-kanya nilang bahay. Pati po si Vera. Kung magmatigas po , hayaan niyo lang. Spoiled rin kasi yun. Baka pagod na rin sila"

Utos ko sa isa naming driver. Yung driver sa kabilang van.

[Sige sir]

"Okay.Thanks"

*toot...tooot...

"Spoiled rin pala yung Vera na yun ?" Tanong ni Julia na nasa likod lang.

"Yup!"

"Sus! Mas classy naman ako dun. Hahaha"

"Haha! Tamaaa!" Sangayon ni Eliza.

Napailing-iling na lang ako. Bakit kaya sila mag kaaway ? Hindi ko pa rin alam. Mabait naman si Vera spoiled lang talaga.

- - - - - - -

Huli naming hinatid si Eliza. Yung mas close ni Jane.

"Bye , Jane! Bye , Jeron! Ingat kayo. Uwi ng maaga ha ? Wag mag tanan!" Sabay wave niya ng kamay.

Nag nod lang ako. Nilingon ko naman si Jane at nakitang namumula na naman. Haha! Kinikilig ba 'to ? O nahihiya ?

"Manong uwi muna tayo sa bahay. Ako na lang mag hahatid kay Jane" utos ko sa driver namin.

Gusto ko kasi ngayon ko na siya tanungin.

"Sige , sir"

"Bakit ? Pwede niyo naman akong ihatid na lang ,ah" nagtatakang tanong niya. Yung mukha nga niya rin nagtataka , nakakunot rin yung forehead. Ang cute. Haha.

"Secret" sabay pisil ko sa ilong niya. Ang cute talaga. Sasusunod magiging girlfriend slash asawa ko na 'to. Haha! Lakas naman ng self confidence ko. Hindi pa nga ako sure kung papayagan niya na ba akong manligaw.

Nakarating na kami sa bahay. Yung mga gamit ko pinaligpit ko sa katulong namin. Kinuha ko kaagad yung susi ng kotse ko.

Mabilis kong pinaandar yung kotse ko. Excited na kasi akong tanungin siya sa harap mismo ng bahay nila.

"Jerrrrrrooooon!!! Jusmeeee ka. Katakot to. Dahan dahan nga sa pag driveeeee. Yung kaluluwa koooo!!!" Sigaw ni Jane.

"Hahahahahaha! Whoooo!!! Excited na ako!!"

"Tumatawa ka pa jan haaaa! Halos matanggal na nga itong kaluluwa kooo!!"

Hinayaan ko lang siya sa pag sigaw-sigaw niya. Basta excited na ako.

Jane's POV

.

Panay ang sigaw ko at sobrang higpit ng pagkakahawak ko sa seatbelt dahil sa bilis magmaneho ni Jeron. Halos matanggal na yung kakuluwa ko. Mygooodness! Ayoko pang sumunod kay Ax-- no.

"Nandito na tayo sa bahay niyo" natatawa niya sinabi.

Nilingon ko siya at inirapan. Mabuti naman buhay pa ako.Binuksan niya yung pinto ko. Kaya lumabas na ako. Pero ang ikinabigla ko ay nung hawakan niya yung kamay ko.

"Jane."

"B-bakit?" Kinakabahan kong tanong. Bakit kaya ?

"Jane , can i court you ?"

CAN I COURT YOU ?..

CAN I COURT YOU ?..

CAN I COURT YOU ?..

CAN I COURT YOU ?..

CAN I COURT YOU ?..

Paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko. Handa na ba ako?

"Yes" wala sa sarili kong sinabi.

"WHOOOOOOOO!!!!!" patalon-talon niyang sinabi.

Oh! My Chinito (JaRon Fan Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon