PLEASE READ : SORRY NGAYON LANG MAKAKAPAG UD . BALAK KO NGA SANA NA SA MONDAY KAYA LANG BUSY SA REVIEW/STUDY. EXAM KASI NAMIN NUNG THURS. AND FRI. :) AND PAGTYAGAAN NIYO NA PO TONG CHAPTER NA TO , KUMAKALAWANG NA ANG UTAK KO SA MGA HINDI SPG NA STORY EH. PURO NA GREEN HAHAHA. BTW PABASA NAMAN PO NG IBA KONG STORIES :
· MY PERVERT BOSS
· JUST THE WAY YOU ARE
· DATING THE PLAYBOY
· INLOVE AKO SA ISANG BRAT!?
· ERECTION AT FIRST SIGHTKUNG HINDI NIYO PO MAKITA , CLICK NIYO NA LANG PROFILE KO AND TINGNAN NIYO SA WORKS :)) MAY MGA SCENE PO NA SPG (FOR OPEN MINDED ONLY) THANKYOUUU ! LOVELOTS ♥♡
- - - - - - - - - - -
Jane's POV
.
*Flashback
"So ? Ano na ? Kasalan naaa~ ?"
Aktong sisikuhin ko sana siya ulit pero nakaiwas siya at hinawakan niya ang elbow ko.
"Tsk! Kapal mukss ka. Hindi naman porket mahal natin ang isa't-isa. Kasalan agad ? Remember nakipaghiwalay ako sa'yo ?" sabay harap ko at nag tongue out. "Kaya.... ligaw muna ulit.Hahahahahah!"
Hinarap ko siya ulit , ang nakita kong ang kaninang nakangiti ay naging malungkot. Sus! Lungkot-lungkotan. Hahaha.
"Oo nga naman , Jane. Kayo na lang ang ikasal ngayon."
Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko dahil sa narinig ko.
"K-kanina pa po ba kayo j-jan ?"
"Actually yes. Magpapaalam lang sana ako sa'yo na , aalis na kami. Kaya lang narinig ko yung pinagsasabi nitong si Jeron. Kaya tumigil muna ako at nakinig. Haha." Tumawa naman si Tita. Awkward laugh.
Nubayan! Narinig pa talaga kami ni tita. Nakakahiya naman sa kanya. Kapal naman kasi ng mukha nitong si Je. Ang yaman-yaman rin naman.
"Jane , ija. Kayong dalawa na lang ang mag-tuloy nitong kasal. Alam mo na , sayang naman yung mga ginasto namin kung hindi magagamit. Diba ?" Nakangiting sinabi ni Tita. Ang supportive talaga ni tita kahit di na kami ni Axel.
"P-pero tita. Nakakahiya naman p-po. Pera niyo tong ginamit at nagastos tapos kami ang ikakasal?" Iling-iling kong sinabi. "T-thankyou na lang po tita."
"Oo nga J---" kinurot ko siya sa tagiliran para matigil sa sasabihin niya. Hindi na nahiya. Mag a-agree pa talaga siya kay Tita. "A-ahm.. oo nga po , nakakahiya naman sa inyo Tita. Salamat na lang po." Nakangiti niyang sinabi at umakbay sa'kin. Hinarap niya ako at nag-grin siya. Evil grin. Inirapan ko siya at humarap kay tita na natatawa.
"Ang sweet-sweet niyong dalawa." Namula naman ako dahil sa narinig ko. "By the way , No. I insist. Ngayon na kayo ikasal. Please ? Peace offering ko na rin to dahil sa ginawa ng anak ko. Alam niyo na ? Mahal na mahal niyo naman ang isa't-isa."
Hinarap ko si Jeron na ang laki-laki ng ngiti. Humarap rin siya sakin. "Oo nga hon. Ikasal na tayo ngayon."
O_o
Hon !?
Pinandilatan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya. Jusko ! Bakit minahal ko ba tong makapal ang mukha na lalaking to?
"Oh ija. Tingnan mo nag-agree yung boyfriend mo."
Naramdaman kong inalis ni Jeron yung kamay niya mula sa pagkakaakbay sa akin at naglakad. Saan ba siya pupunta ? Nagtatampo ba siya ?