Jane's POV
.
Pagkatapos kong isipin lahat ng efforts ni Jeron ay may natanggap akong dalawang messages.
Yung dalawa ay kay Jeron at unknown number. Inuna ko yung kay Jeron.
From Jeron :
'Are you free today ? Dinner date sa labas? :)'
Nag type kaagad ako. Ofcourse free na free. Lol! Iniisip ko lang naman yung efforts mo ngayon haha.
'Yes. Free ako today :)'
Binuksan ko naman yung unknown number.
From +639777788888 :
'I miss you'
Ha ? Sino kaya 'to ? Nagtype kaagad ako. Baka kasi isa sa mga kakilala ko.
To unknown :
'Who's this pls?'
From Jeron :
'Okay! Susunduin na lang kita jan sainyo'
To Jeron :
'Sige. What time ? Para makapag ready na ako.'
From +639777788888
'A.T.'
Ha !? Pinagloloko ba ako nito ? A.T ? Sinong A.T. ? Wala naman akong kilalang A.T. ,ah !?
To +639777788888
'Excuse me po.Wag mo nga akong pinagloloko. Sinong A.T?'
From Jeron :
'6:30 PM. See you later ;)'
To Jeron :
'Okay ;p'
Pagkatapos kong isend kay Jeron yung message ay excited akong nag-hanap ng susuotin ko. Yiee! Parang first time lang , eh ?
May nakita akong black dress. Plain black color , though... pa 'X' yung sa back. Okay na 'to. Mag fa-flat shoes na lang ako. Hindi ko feel mag heels ngayon.
Kinuha ko yung phone ko at tiningnan kung may text. Pati na rin yung unknown kanina kung may text ba. Pero wala akong natanggap na text ulit. Sus! Tama nga ako. Pinagloloko lang talaga ako. Zzzz
Naglakad ako para ilagay sa side yung kurtina pero laking gulat ko nang pagbukas ko ng kurtina ay may nakita akong lalaking nakatayo malayo sa gate namin pero nakatingin siya sa bahay namin. No, sa kwarto ko banda. Creepy. Naka jacket siya at balot na balot yung mukha niya.
Whooo! Katakot. Clinose ko kaagad yung kurtina. Goosebumps. Myghaaad! Parang killer. Kulang na lang smile. Sino kaya yun ? Magnanakaw ba yun or what ? Errr. Creepy talaga.
Mabuti pa maligo na lang muna ako. Baka mamaya meron na si Jeron. 5:21 PM na.
- - - - - - - -
*insert mamahaling restaurant*
"You look so pretty today , Jane" sabi ni Jeron na dahilan ng pag ka blush ko.
"Ngayon lang ? Hahaha" I joked.
Siya naman yung namula ngayon. Haha! Nahihiya pa rin siyang mag compliment.
"S-syempre everyday. I m-mean mas maganda ka ngayon"
"Hahahahahahahahahahahahahaha" tawa ko ng malakas. Wala na akong pakialam sa ibang tao kung anong sasabihin nila. Basta tatawa ako. Haha! Priceless na expression ng mukha ni Je.