Jeron's POV
.
Kinikilig pa rin talaga ako pag naaalala ko yung nangyari kanina sa van.Nakakabakla man pakinggan pero totoong-totoo ,kinikilig talaga ako na kahit sobrang ngalay na nung braso ko dahil sa ulo ni Jane.Tiniis ko para sa kanya.Mukhang pagod rin kasi siya kaya yun pinatulog ko , tsaka mahaba-haba rin kasi yung byahe papuntang beach sa Davao.
Pero ang cuuuute niya matulog , parang puppy na parang bagong silang na baby.Haha (^___^= ). And about naman dun sa kiss ko sa forehead niya.Ayun alam niyo naman kung anong meaning ng kiss sa forehead diba ? Importante siya.
Lahat gagawin ko para maprotektahan lang siya sa ibang tao at sa panganib.Hanggang sa pumasok na kami sa mga assigned rooms namin at nung nasa restaurant na kami parang iba yung aura niya.
Tinuro ko nga rin na tumabi siya sa akin pero di siya tumabi tapos mukhang badtrip yung mukha niya , at ang nakakaselos pa.Tumabi siya kay Jon.Arghh! Pinipigilan ko lan yung sarili ko kanina.
Di niya rin masyadong ginagalaw yung pagkain niya at panay ang tingin niya sa'akin or sa ibang side siya nakatingin.Hindi ko alam.Kasi nung natapos na kaming kumain nagpahuli sila nila Julia at Eliza.At medyo may something sa mga smile niya sa akin.
- - - - - -
"Janey , I dare you to kiss Jeron on the...." *dug...dug... "on the neck." biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi ni Eliza.
Namula ako sa narinig ko.On the neck ?! Ang laswa naman.Hindi ako papayag, may respeto ako kay Jane.Ayokong mabastosan siya or something feeling awkward.
"Bawal umangal.Wala nmang malisya diba ? Wala naman KAYONG gusto sa isa't isa.Diba ?"
"A-ah.Oo. W-wala naman" nauutal niyang sinabi.Gagawin niya ba ? Kinakabahan siya alam ko.No , di ako papayag sa dare.And , NO ! May gusto ako sa kanya pero di pa ako handa na sabihin ang nararamdaman ko,
"Go! Do it!"
Dahan-dahan siyang lumapit sa'kin hanggang sa hinawakan ko siya sa balikat para pigilan sa gagawin niya.Medyo nanginginig pa nga siya sa kaba.
"Wag na.Hayaan mo na yung dare" and I gave her an assuring smile,
"Ihhhhh! Ang daya." Sigaw at pagmamaktol nila.Wala na silang magagawa sa desisyon ko.I lo---.
"Wag na guys.May respeto ako sa kanya" at tiningnan ko siya ulit and I smile , again.Nag smile rin siya sa akin.
Nag start ng mag spin ng bottle si Jane.Natapat ito kay Vera.It means na si Vera na.Ano kayang idi-dare ni Jane.
"Ahm... i dare you to... to... "
"Kiss Jeron on the forehead , tip of the nose and kiss on the lips" sigaw ng mga kaibigan ko.Shit! Fck that dare.Wag naman sana.
"Oo nga!" Pag cha-chant ng mga friends ni Vera.Paulit-ulit, nakakarindi.
"A-ah. S-sige yun and d-dare ko" WHAT THE HECK !? PUMAYAG SIYA.PWES HINDI AKO PAPAYAG NA GAGAWIN YUN NI VERA DAHIL MAY RESPETO RIN AKO SA KANYA AND ANG SAGWA NAMAN NUN KASI ANG DAMING KISSES.TCH.
"Jan--!?" Aangal na sana ako kay Jane kaso bigla siyang nagsmile.Kakaibang smile , I think a bitter smile ? Awkward smile or what ? Ugh!
Nabaling yung atensyon ko kay Vera na katabi ko lang.Bigla na kasi siyang tumayo.Hindi man lang umangal ? Mas nabigla ako nung sunod-sunod ang mabilis niya akong hinalikan sa noo at sa ilong.
Saktong hahawakan ko naman si Vera para pigilan sa paghalik sa lips ko ng bigla tumayo at tumakbo si Jane kaya dali-dali kong itinulak si Vera.Pero mahina lang.Baka kasi masaktan.
Ano bang nangyari sa kanya ? Bakit bigla siyang tumakbo ?
"JANE!!" Sigaw ko.Pero mas lalong niyang binilisan ang pagtakbo niya.Tatakbo na sana ako para sundan siya ng may kamay na pumigil sa'kin.Nilingon ko ito at nakitang si Eliza ang pumigil.
Tiningnan ko siya na nagtataka.Ayaw niya bang sundan ko si Jane ? Baka ano ng nangyari kay Jane.
"Wag mo na siyang sundan , Jeron.Bigla kasing sumakit yung tiyan niya.NaCCR ata.Andami kasing kinain" sabay bitaw niya sa kamay ko.
"Masakit yung tiyan niya ? Diba konti lang yung kinain niya kanina ? Halos di niya nga ginagalaw" nagtatakang tanong ko.As far as I remember , konti lang talaga yun.
"A-ah.O-oo . Tama-tama. Basta m-masakit yung tiyan niya.H-hayaan mo na lang muna siyang mapag-isa"
"Sige" sabay upo ko ulit sa buhangin.Sana maging okay na siya.
Jane's POV
.
Iyak lang ako ng iyak.Ewan ko ba bakit hindi ko mapigilan ang mapaiyak.Kainis! Alam ko naman kung bakit ako umiiyak , eh.Dahil sa--sa--- selos. Nararamdaman ko naman.Dideny ko lang sa sarili at friends ko.
Argh! Bakit !? Paano !? Kainis naman kasi tong si Jeron.Hindi man lang pinigilan si Vera.Arrrrgh! Bahala silang dalawa ! Magsama sila. Tse! Huhu.
- - - - -
Nagising ako dahil sa mga boses na naririnig ko.Dumating na siguro sila Eliza at Julia.Tiningnan ko muna yung orasan at nakitang 1:12 AM na.Nakatulog siguro ako kakaiyak.
Ano kayang ginawa nila ? Bakit ngayon lang sila nauwi dito. Hmmm... baka nag inom.Baka nga nag tabi na sila Vera at Je.... O_O . Hala! Arghhh! Kainis ! Basta ! Bahala sila sa buhay nila !
"Hoy! Babaeng selosa , bakit ka nakatunganga jan ?" Sigaw ni Eliza na nakapagbalik sa aking huwisyo.Lumilipad na naman siguro tong utak ko.
"Tse!" Sabay irap ko.
"Haha! You look like a panda and zombie , Janey. Ang maga na ng mata mo kakaiyak" pangaasar ni Julia na with matching action pa ng babaeng baby na umiiyak.
Salamat talaga sa mga kaibigan ko.Ang supportive nila ever! Tsk.Sarap pektusan eh.
"Wag ka na ngang matulala jan.Sinundan ka ni Jeron , kaya lang pinigilan ko siya kasi alam kong iiyak ka.Baka magtaka"
Napalingon naman ako sa sinabi ni Eliza.Sinundan niya ako? *u* ugh! Basta , hindi ko siya papansinin bukas.Bahala siya jan.
"Sus! Kunyari pa. Nag smile naman" singit ni Julia na hawak-hawak yung phone niya.Ibato ko kaya sa kanya yung phone niya ? Dejokelang. :3
"Tomooo! Nag smile na si ateng dahil sa narinig,Uyyyy!" Pangaasar ni Eliza.
"Tumahimik nga kayong dalawa jan.Batukan ko kayo jan eh.Hindi ako kinikilig no.Wag nga kayo"
"Ok , sabi mo eh" sabay smirk nilang dalawa.Leshe flan yang dalawang yan.
- - - - - -
Sorry for the late ud , busy lang talaga sa school. College na ang peg namin XD :)))
Vote · Comment
Picture on the side / top