Jane's POV
.
Isang araw at ilang oras ng hindi nagpaparamdam si Jeron sa'kin.Ano na kayang nangyari dun ? Simula kasi nung konting bonding namin ni Michele at nung nakita ko siya na kasama ang kapatid niya ay hindi na siya nag text sa'kin.Hmm! Siguro busy lang 'yon.Mabuti pa't maliligo na lang ako at dadalawin ko na lang yung puntod ni Axel.Baka magtampo at magpakita pa.Haha!
Pagkarating ko sa Cemetery ay naglakad na kaagad ako papunta kng saan inilibing si Axel.
Pagkarating ko ay inilagay ko na yung bulaklak na dala ko. "Hi , axel ! Musta ka na jan ? Alam mo may chika ako" ito na naman po ako , parang shunga.Buti naman sana kung sasagot to si Axel.
"Alam mo ba may bago akong KAIBIGAN.Si Jeron.Nakakatampo na nga eh , kasi di na siya nagpaparamdaman.Kainis! Hmmpp" sabi ko sa puntod niya sabay binubunot yung damo sa kinauupuan ko ngayon , nang may naramdaman akong para may nagmamasid sa'kin.Katakot! Tiningnan ko yung paligid at wala akong napansin na tao.Paranoid lang siguro ako.
Makaalis na nga lang. Tutal tapos na akong dalawin si Axel.Mabuti pa pumunta na lang muna ako sa Mall.Kakain na lang muna ako ng pizza.Nagcricrave na naman kasi ako.
Nang nakarating na ako ng mall ay dumiretso na kaagad ako sa Yellow Cab.At omorder nung pinakamalaking pizza.Humanap muna ako ng table at nung nakita kong bakante ang table na malapit sa main door ay dun na ako umupo.
Nang dumating na ang order ko ay agad ko itong kinain kahit medyo puno pa paminsan yung bibig ko.
"Pwede makiupo ?" Narinig kong tanong ng isang familiar na boses.Lalaki 'to.Inangat ko yung ulo ko at nakita kong si Manolo ito kaya napatayo ako bigla.
"Manoooolskiiiie!" Sabay yakap ko.
"Janeeeeskiiiie!" Sabay yakap niya pabalik sa akin.
"Upo tayo" sabi ko at umupo na kami.
"Thanks!"
Tiningnan ko siya ng mabuti.Hindi pa rin siya nagbabago , kung may nagbago man ay yung braso niya. Medyo nag ka biceps na.
Medyo naging close rin kasi kami nito kahit palagi kaming nagsasama ni Axel.Sila na kaya ni Maris?hmmmm...
"May dumi ba ako sa mukha , Jane ?"
"Haha! Wala 'no.Tinitingnan lang kita , kung may nag bago.Pero wala naman , pwera sa may biceps ka na.Haha" sabi ko kay Manolo at kinindatan siya.
Nakita ko siyang namula.Haha! Kyoot.Maasar ko nga 'to kay Maris.
"Manolskiee , may tanong ako"
"A-ano yun ?"
"Kayo na ba ni maris ?"
*cough...cough...
Ubo naman siya ng ubo.Binigyan ko siya nang juice ko upang kumalma at mawala ang paguubo.
"A-ano ba kasing tanong y-yan? Hindi k-kami 'no"
"Ay? Sayang.Bagay pa naman kayo , kesa kay Nichole" totoo naman , eh.Mas bagay sila ni Maris , kasi si Maris medyo may pag ka chinita rin.
"W-wag na nga natin yang pagusapan" nahihiyang sinabi niya.
Tumawa naman ako sa naging reaction at inasta niya. "Okay.Sabi mo e--"
Natigil ako sa pagsasalita ng naramdaman kong nagvibrate yung phone ko kaya kinuha ko ito at may nakita akong message.
'Don't make me jealous'
From : Jeron Teng
HA !? Jealous !?
Tiningnan ko ng mabuti yung screen.Inalapit ko rin ng mabuti sa mukha ko yung phone para makasiguro ako.