SORRY PO SA MGA TYPOS AND SOME WRONG GRAMMAR. TAMAD MAG EDIT ANG AUTHOR. MEHEHE! BTW , BELATED MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR ! :))
PICTURE ON THE TOP/SIDE
- - - - - - - - - -Jane's POV
.
"ITIGIL ANG KASAL !"
Sa pagtulo ng mga luha ko ay siya namang kusang pag-kilos ng mga paa ko. Tumakbo ako sa kinatatayuan niya at nung nakalapit na ako ay niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit at umiyak ng pagkalakas-lakas. Parang bata lang na inagawan ng candy.
"P-pumunta ka. P-pinigilan mo ang k-kasal ko sa baliw na y-yan." Nauutal na sinabi ko at halos di ko na nga maibigkas dahil sa todo iyak ko. "I-i'm sorry. I'm sorry. I-im sorry. Sorry. S-sorry"
"Shhh! Alam ko na ang lahat." Sabay haplos niya sa likuran ko at pinapatahan ako. "Don't worry , everything will be alright."
"JANE !" Narinig kong sigaw ni Axel. Yang baliw na yan. "BUMALIK KA RITO!" Hindi na ako babalik sa'yo. At hindi na ako magpapagamit ! Grrrr! Blackmailer.
"Shut up , Axel." Binitawan ako ni Jeron. At alam ko na ang susunod na mangyayari. Aatakihin niya si Axel. Kaya ang ginawa ko ay hinawakan ko siya sa braso.
"Please, Jeron. Wag. Hayaan mo na siya"
"No! Jan ka lang. Makakatikim talaga yang lalaking yan sa'kin. Makikita niya kung sinong binangga niya." Sabay mariing tinanggal niya ng kamay kong nakahawak sa kanya.
N-NO.
*booogsh*
"PARA YAN SA PANANAKIT MO KAY , JANE!"
*booogsh*
"PARA YAN SA PANGBA-BLACKMAIL MO SA KANYA!"
"AHHHHH!"
Narinig kong sumigaw si Tita Jane , ang mommy ni Axel.
*booogsh*
"PARA YAN PANGAAGAW MO KAY JANE SA AKIN!"
*booogsh*
"AT PANG HULI , PARA YAN SA KABALIWAN MO!"
Nakita kong natumba si Axel. At sumusuka na ang bunganga niya ng maraming dugo dahil sa pagkakasuntok ni Jeron.
Marami namang taong hinahawakan at pinipigilan si Jeron. Samantalang ako ay nakatingin lang sa mga nangyayari. Hindi ko na alam ang gagawin ko. *sobs*
"T-TAMA NA ! ANONG N-NANGYAYARI !? A-ANO ITONG NARIRINIG KO AXEL ?!" Sigaw ni Tita kay Axel. Habang tinutulungan naman ni Thomas si Axel upang makatayo ito.
Nilapitan ako ni Noemi at iba ko pang friends na invited rin. "A-ate ----"
"Okay lang ako , Noemi. Kaya ko to"
"P-pero bes--" aangal pa sana si Michele. Pero hinawakan ko ang kamay niya at tinitigan. Alam niya na ang ibig sabihin ko. Ayoko muna ng maraming tanong.
"ANO !? SUMAGOT KAYO! ANO BANG NANGYAYARI ? HA !?" Sigaw na naman ulit ni Tita na halos atakihin na sa puso at maha-highblood na ata.
Tumakbo ako papunta kay Jeron at hinawakan ko siya sa braso. Tiningnan ko siya. Pinapahiwatig ko na kaming dalawa na ang magsasabi ng totoo at sa mga nangyayari.
"T-tita... si Axel p---" hindi na namin na ituloy ang sasabihin namin dahil biglang sumingit si Thomas.
"Ma! B-blinack mail ni kuya si , Jane."