Chapter 1

962 21 5
                                    

"Tumigil ka, Briana Jizella! Layuan mo si Dark. He's too broken. Wag kang magpakakampante na magagamot mo siya. You won't heal him!" Naghihimutok sa galit si Kuya Brixel nang makita niya kami ni Dark sa Montreal Mall kanina.

"I can heal him. Kung siya nga ay nagagawa niyang paghilumin ang sugat ko, magagawa ko ring paghilumin-"

"Stop it. Tumigil ka sa kahibangan mo. Hindi ka pa ba natututo sa nangyari sainyo ni Sage? Hindi mo nagawang gamutin ang sugat niya, hindi ba? So bakit umaasa ka na magagamot mo ang sugat ni Dark? Itigil mo ang katangahan mo, Briana." Iiling-iling pa siyang umalis.

Pinahidan ko ang tumulong luha sa mga mata ko. Masyado ba talaga akong mahirap mahalin? At some point, I wanted to be Vera. Hindi nanglilimos ng pagmamahal mula sa lalaking minahal ko at sa lalaking minamahal ko ngayon.

You're such a lucky girl, Vera!

Kinabukasan yamot na yamot ako nang mapansin na may lalaking sunod nang sunod sa akin. Galing akong Montreal mall at ngayon ay susugurin ko ang magaling kong kapatid kahit na may importanteng meeting siya ngayon.

"Kuya!" galit na sigaw ko. Naabutan ko siya sa opisina niya na kausap si Shin.

Sumandal siya sa swivel chair niya.

"What is it, Briana?" tamad na tanong niya.

"Kuya, I don't need a bodyguard! Alam mo naman na pinakaayaw ko ay 'yong may sunod nang sunod sa akin!" paghihisterikal ko.

"Then kailangan mo na masanay, Briana, kung matigas ka mas matigas ako."

Nakita ko naman na ngumisi si Shin.

"Ano namang nginingisi-ngisi mo jan?" singhal ko.

"Wag mo ngang idamay si Shin!" saway sa akin ni Kuya.

"Kuya, ano ba? Tanggalan mo na ako ng body guard!"

"Then stop seeing Dark."

"No!" maagap na sagot ko.

"Then enjoy your bodyguard." Muli siyang umayos sa pagkakaupo at seryosong nakipag-usap kay Shin.

Hinampas ko naman ang table niya. "Kuya!"

Matalim niya akong tinignan. "I'll give you one last option, Briana." Binuksan niya ang drawer niya.

Inilahad niya sa akin ang dalawang plane tickets.

"Ano 'yan?"

"Go on a trip to Korea with Shin at pagkatapos dumerecho ka na sa bahay sa Maynila."

Napanguso ako. "Mas mabuti pang magtravel kesa may sunod nang sunod sa'yo. At ikaw, Shin, wag na wag mo kong susundan kung saan ako magpupunta, ah!" Kinuha ko ang plane tickets tsaka umalis.

Pag-uwi ko ay ibinagsak ko ang sarili ko sa kama. Nakakamiss din tumira sa bahay ni Vera. Wala nang nakatira doon dahil may kanya-kanya na kaming buhay.

Maganda at malandi naman ako, ah? Bakit kaya hindi ako nagkaboyfriend?

Tinatanong pa ba 'yan, Briana? Malamang dahil sa O.A. mong kuya!

Kasalukuyan akong nag-eempake ng mga gamit ko dahil bukas na rin pala ang flight ko papuntang Korea. Masyadong atat si Kuya Brixel na mailayo ako kay Dark.

Mula nang ikasal sila Vera ay madalas na kaming magkatext ni Dark. Noong nakaraang buwan ay madalas din kaming lumalabas pero nang bumalik dito sa Pinas si Kuya galing sa 3 weeks business trip niya ay nagbago ang ihip ng hangin. Hindi na kami masyadong nagkikita ni Dark dahil sa bwiset kong kapatid pero madalas pa rin kaming nagtetext at nag-uusap sa phone.

Chasing Dark (Chasing #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon