Chapter 4

442 18 0
                                    

Sobrang kapal ng concealer na nilagay ko sa ilalim ng mga mata ko para takpan ang namumugtong mga mata ko. Aalis na ako sa Wednesday kaya naman kailangan ko talagang bumisita sa mga kaibigan ko ngayon para na rin makapagpaalam ako sa kanila.

"Akala ko ay buong araw ka na lang magmumukmok jan sa kwarto mo."

Inirapan ko na lang si Shin. "Dami mong sinasabi, tara na!"

Mabuti na rin 'yong kasama ko si Shin para hindi ko na kailangan magdrive. Nang makapasok kami sa loob ng mansion ng mga Wainwright ay si Zerene ang sumalubong sa akin.

"Tita Bri!" masayang sigaw niya.

"Hello there, little princess." Yumakap naman ako sa kanya. "Where's your Mommy and Daddy?"

"They we're cooking po, Tita."

Hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi ni Zerene. She's really my little ray of sunshine.

"Zerene, bakit ako hindi mo pinapansin?" tanong ni Shin sabay nguso.

"Hi, Tito Shin!" Humagikhik si Zerene tsaka may ibinulong sa akin.

"I don't like his name, Tita Bri!"

Humagalpak naman ako sa tawa.

"Hoy! Pinag-uusapan niyo ba ako?"

Umiling-iling naman si Zerene tsaka tumakbo palayo sa amin.

Tinapik ko pa ang balikat ni Shin. "I think it's about time to change your name, bro."

Lalong naningkit ang mga singkit mata ni Shin.

"Feeling mo naman napakaganda ng pangalan mo. So common!" napipikon na sabi niya.

Ngumisi naman ako. "Okay lang, at least kasing ganda ko naman ang pangalan ko. E, 'yong sa'yo? Aishin? So feminine, dude."

"Shut up-"

"Hindi pa rin talaga kayo nagbabago," sabi ni Vera na halatang natatawa.

"Vera!" Agad naman akong lumapit sa kanya at yumakap. "Ang blooming mo, ah? Mukhang magkakaroon na ng kapatid si Zerene."

"Loko ka talaga, Briana!" Humagalpak pa sa tawa si Vera.

"Wala pa ba, Vera? Kung ganoon, napakahina naman pala ni Sage."

"Anong sinabi mo, Shin?" biglang sulpot ni Sage.

Nagtawanan naman kami.

"Mabuti naman ay naisipan niyong dumalaw." Pinagkrus pa ni Vera ang mga braso niya.

"Siyempre aalis na si Bri sa Wednesday, e."

"Saan ang punta mo, Bri?" tanong ni Sage.

"Ah. Sa Maynila. Tutulungan ko si Kuya magpatakbo ng negosyo at tutulong na rin ulit ako sa pagpapatakbo ng Hotel Veranica."

Tumango-tango naman si Sage. "Next month ay sa Manila na rin muna kami titira para makabalik na ako sa trabaho, sa ngayon ay ipapaubaya ko muna sa'yo ang Hotel.

Ngumiti naman ako. "Sure, Sage."

"E, ikaw naman Shin Kumusta? Nahanap mo na ba ang hinahanap mo?"

Nanahimik naman bigla si Shin.

"Tama 'yan, Vera. Usisain mo dahil gusto ko rin marinig ang tungkol sa bagay na 'yan," sabi ko.

"Nahanap ko na siya pero galit pa rin siya sa akin."

"Takbuhan mo ba naman, Shin, ang responsibilidad mo.Ewan ko ba naman sa'yo! Iyan tuloy sawi ka ngayon," pagsesermon ko pa kay Shin.

Chasing Dark (Chasing #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon