Chapter 24

445 13 3
                                    

"Saan ka galing? Namumutla ka!" puna sa akin ni Vera.

Should I tell her what happened to me?

No! I should keep this to myself. Natatakot ako na makarating din 'to kay Dark.

"Nahihilo lang ako," I lied.

"Hinahanap na si Ate Kim ni Brixel, uuwi na rin tayo."

Tumango naman ako. "Pero, Vera." Damn it! Hindi rin naman ako mapakali na isikreto ang tungkol sa kagagahan na nagawa ko.

"May gusto ka bang sabihin, Bri?"

"Ah, sorry pala doon sa nangyari noong isang araw."

Isang araw 'cause it's already 12:00 midnight.

She smiled at me. "Wala 'yon, Bri. Naiintindihan kita."

"Thank you, Vera." I gave her a weak smile. Gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko alam kung paano.

Tulad ng sinabi ni Vera nang mahanap na ni Kuya si Ate Kim ay umuwi na rin kami. Si Shin at Ate Kim ay sa amin na rin muna tumuloy dahil pareho na silang patay lasing. Imbis na dumerecho sa kwarto ko ay sa kusina ako pumunta. Nag-init ako ng tubig then I opened an instance cup noodles. Parang may kung ano sa sikmura ko na hindi ko maipaliwanag. Pakiramadam ko ay nasusuka ako na nagugutom at oo kinakabahan ako!

Kanina ko pa paulit-ulit na iniisip na may kasalanan rin naman sa akin si Dark kaya quits lang kami, but damn it! Hindi ganoon dapat! Alam kong hindi ganoon dapat! Tanginang alak 'yan!

Napasabunot pa ako sa sarili ko habang hinihintay ang tubig na pinainit ko.

"Are you okay?"

Halos mapatalon ako sa gulat sa biglang pagsulpot ni Kuya Brixel.

Paulit-ulit naman akong tumango. "Oo, Kuya." Pinilit ko pa na hindi mautal.

"Gutom ka? Bakit instant noodles lang ang kakainin mo? Gusto mo ba ipagluto kita?"

Mabilis naman akong umiling. "Hindi na, Kuya. I'm fine with this."

Tumango naman si Kuya tsaka umalis.

Hindi nga ako sigurado kung nagugutom ba talaga ako. Naisip ko na dalhin na lang iyong instant noodles sa kwarto ko at doon na lang kumain. Naabutan ko pa sa sala si Kuya na inaakay si Shin paakyat.

Umangat ang sulok ng labi ko. "Kung ako sa'yo, pabayaan mo na lang jan sa sala si Shin. Kalalaking tao nagpapaalaga."

Inilapag ko sa side table ang hawak kong instant noodles. Ngayon ko palang ulit bubuksan ang phone ko. Halos sumabog ang notification ko sa dami ng mga messages and calls na halos lahat ay nanggaling kay Dark. I opened the latest message.

From: Dark
Baby, let's talk please. Let's fix this. Ayokong mawala ka at nababaliw na ako sa pagkamiss sa'yo.

Parang kinurot naman ang puso ko. Ngayon ay nadagdagan na ang dahilan kung bakit ayaw ko muna siyang makausap. Natatakot ako. Ang tanga tanga ko rin naman kasi. Ilang buntong-hininga pa ang pinakawalan ko bago humiga sa kama ko.

Sapo-sapo ko ang ulo ko nang magising ako. Nilingon ko ang orasan na nasa side table ko.

"Alas dos na ng hapon?" Hindi naman ako makapaniwala.

Pagbaba ko ay nandoon sa sala sina Aishin at Ate Kim. Si Ate Kim ay maasyos na ang itsura pero si Shin ay lupaypay pa rin sa sofa.

"Si Kuya?"

Ate Kim just shrugged her shoulders.

"Aishin, umuwi ka na para maligo at bumalik ka agad dito, pupunta tayo sa Montreal mall."

Chasing Dark (Chasing #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon