Chapter 5

476 15 0
                                    

Nang makarating ako sa bahay ni Kuya Brixel dito sa Maynila ay inayos ko agad ang mga damit ko sa walk in closet. May dalawang kasambahay si Kuya pero pagdating sa mga personal na gamit ko ay mas gusto ko na ako ang nag-aayos.

Napabuntong hininga naman ako nang maalala ang pag-uusap namin ni Dark doon kina Andrea. Matapos kaming mag-usap ay umalis na siya.

Tinignan ko ang phone ko. Hindi na muli ako nakatanggap ng mga messages mula kay Dark pero ito naman 'yong pinili ko, diba? I should be happy kasi mas mapapadali ang pagkalimot ko kay Dark.

Kung bakit ba kasi napakahilig ko sa mga lalaking durog ang puso.

I spent my day resting. Bukas ay balik trabaho na ako. Sa umaga ay derecho ako sa Larson Company tapos sa hapon naman ay may meeting ako kasama ang mga shareholders ng The Veranica Hotel.

"I'm fine here, Kuya. Matanda na ko at kaya ko na ang sarili ko."

Pangalawang beses na pagtawag na ito ni Kuya.

"You always wanted to be an independent but we all know that you're scared doing something on your own."

Sa irita ko ay pinagpatayan ko si Kuya. Bakit ba siya ganyan? Wala ba siyang tiwala sa akin? Naiinis ako dahil pinapakiusapan niya pa si Iver, iyong cousin namin para samahan ako dito sa bahay niya.

You're stressing me out, Brixel Jayden!

Kasalukuyan kong tinitignan ang mga portfolio ng company namin nang magvibrate ang phone ko.

Dark is Calling

I ignored his call at first kaya lang ay nasundan pa iyon ng ilan pang pagtawag.

"What is it, Dark?" Pilit kong itinago ang excitement na nararamdaman ko sa pagtawag niya.

"Briana, please talk to me," napapaos na sabi niya. He's drunk again for God sake.

"Dark, I've already told you that I can't heal you-"

Pinutol niya ang sinasabi ko.

"I'm here outside your house."

Kinagat ko ang ibabang labi ko.

"Dark, wala na ako jan. I'm here in Manila."

"Nasa labas ako ng bahay mo dito sa Maynila."

"What?"

Napatayo ako sa sinabi ni Dark at agad na lumabas. Sa labas ay nakatayo si Dark. Nasa tenga ang phone niya at namumungay ang mga mata niya.

"Are you crazy?" bulalas ko.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya nataranta ako sa pagbukas ng gate at hinila ko si Dark papasok. Nababasa na kami ng ulan pero itong si Dark ay biglang tumigil sa paglalakad at hinila ako para yakapin.

"Dark, nababasa tayo!"

Lalo lang humigpit ang yakap ni Dark sa akin.

"You said you're gonna heal me. Briana, you can't take back what you said. Hindi ako papayag."

Natigilan naman ako.

At sinabi ko rin na kapag nagtama pa ang mga landas namin ni Dark dito sa Maynila ay susundin ko na kung ano bang gusto ko talaga.

Pinatuloy ko sa muna si Dark. Hinatid ko siya sa guest room at pinahiram ng damit ni Kuya Brixel. Mabuti naman ay halos magkasing katawan lang sila. Bumaba ako para magpaluto ng soup.

"Ate Yanyan," tawag ko sa isang kasambahay ni Kuya.

"Yes, Ma'am Briana?"

"Pakilutuan naman po ako ng soup."

Chasing Dark (Chasing #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon