Chapter 15

479 10 1
                                    

Humila ng upuan si Dark para paupuin ako.

"Paano mo na-set up 'to?" tanong ko.

"By the help of a friend."

Umangat naman ang isang kilay ko. "Sinong friend?"

"Si Gela."

"Oh! Your sexytary,"  matabang na sabi ko.

"Briana, stop being jealous. I'm all yours." Hinawakan pa ni Dark ang kamay ko at hinalikan. "I'm all yours."

Lumundag naman ang puso ko.

Oo, Dark, akin ka lang talga!

Matapos namin magdinner ay sa balcony kami tumambay ni Dark. Umupo kami sa rattan hanging chair na nandoon, nasa likod ko siya at nakapulupot sa bewang ko ang mga braso niya habang pinapanood namin ang maliwanag na buwan at ang mga nagkikislapan na mga bituin.

"Nagmamadali ka, I was supposed to answer you in my birthday."

Humalik naman siya sa ulo ko. "I'm sorry but I can't wait to make you mine."

Napangiti naman ako.

Hindi na ako nakauwi dahil uminom pa kami ni Dark hanggang sa antukin ako kaya ngayon ay tadtad ng missed calls at messages ang phone ko galing kay Kuya Brixel.

"Hello, Kuya? Pauwi na ako-"

Pinutol niya ang sinasabi ko. "Sinong nagsabi sa'yo na pwede kang hindi umuwi ng bahay, Briana?"

I rolled my eyes. Here we go again.

"Kuya, matanda na 'ko. Nasa tamang edad na ako."

"Shut up! Wag mo parating idahilan na matanda ka na. If you think that you're in the right age then why don't you just leave my house and live with Dark?" Galit na galit siya.

Sinulyapan ko naman si Dark na nagdadrive ngayon.

"Papayagan mo ba ako?"

"I can't believe you!" Halos mabingi ako sa sigaw niya bago niya patayin ang tawag. Humagalpak naman ako sa tawa.

Kumunot ang noo sakin ni Dark. "Why?"

"Sinabi niya kasi na kung tingin ko ay matanda na ako bakit daw hindi pa ko sa'yo tumira?" Natawa naman ako. "Kaya tinanong ko kung papayag ba siya tapos lalong nagalit." Muli akong humagalpak sa tawa.

Ngumisi naman si Dark at umiling-iling. "Sakit ka sa ulo ni Brixel."

Hinarap ko naman siya. "At magiging sakit mo rin sa ulo."

Naningkit naman ang mga mata niya. Ngumisi naman ako.

Nadatnan ko si Kuya Brixel sa sala na prenteng-prente na nakaupo sa sofa. Inirapan niya pa ako.

Napailing naman ako. "Hay, Kuya Brixel! Pasungit ka nang pasungit. Gusto mo ba ibigay ko sa'yo 'yong address ni Ate Kim?"

"Shut up, Bri!" Lalong umusok sa galit ang ilong ni Kuya.

Natawa naman ako tsaka umakyat na sa taas. Masarap din talaga siyang asarin minsan.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay hindi ako magkamayaw sa pagtili. Hindi ko pa rin lubos maisip na boyfriend ko na si Dark Montreal!

Ilang beses pa akong humarap sa salamin at pinagsasampal ang sarili para malaman kung panaginip lang ba ang lahat ng 'to.

Chasing Dark (Chasing #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon