Chapter 35

451 13 5
                                    

We enjoyed Baguio so much, ang nakakatawa pa nga ay biglang nagyaya si Dark na mag-Mt Pulag kami kaya kinailangan pa namin na bumili ng hiking clothes dahil wala kaming dala. Climbing Mt. Pulag was very worth it. Now, we're heading back to Manila. Habang nasa byahe kami ay hinihiling ko na sana pwede 'yong hindi na lang kami bumalik ni Dark, na takasan na lang namin ang lahat.

"Dark."

"Hmm."

"Natanong mo na 'to sa akin dati and I want to ask you the same question."

Sumulyap pa siya sakin. "What is it?"

"Will you runaway with me?" seryosong tanong ko.

Ngumiti naman siya. "Alam kong alam mo ang sagot jan, Briana. Kung nasaan ka ay dapat nandoon din ako and yes! I'm willing to runaway with you."

Tila hinaplos ang puso ko.

"Paano ang Montreal Land Corp?"

"Ikaw ang pinakamahalaga sa akin, Briana."

I smiled.

Bakit ba ako binigyan ng isang Dark Montreal?

Alas siete na kami nakarating sa bahay.

I took a deep and heavy sigh.

"Dark."

"Yes, baby?" He smiled at me.

"You know how much I love you, right? How I want to spend the rest of my life with you?"

Kinuha niya ang mga kamay ko. "Oo naman, Briana. Ramdam ko kung gaano mo ako kamahal."

I bite my lower lip.

"Is there any problem, baby?" nag-aalalang tanong niya.

"Dark, lahat ng happy memories natin ay habang-buhay kong ichecherish. Walang araw na makakalimutan ko na minsan sa buhay ko ay binigyan ako ng katulad mo ni Lord, an ideal man."

Kumunot ang noo niya. "Briana, why are you saying that? Hindi naman ako mawawala sa'yo."

"Dark." I took a deep breath. "I'm breaking up with you."

Natigilan si Dark pero ilang segundo lang ay nakabawi siya at umiling iling.

"No! Joke ba 'to? Kilala kita, Briana! Mahilig kang magjoke."

Nangilid ang mga luha ko. "Akala ko kasi ako pa rin 'yong selfish na spoiled brat, iyong wala akong pakialam basta makuha ko 'yong gusto ko, 'yong walang makakapigil sa akin para gawin ang mga gusto ko, akala ko kasi ganoon pa rin ako, Dark." Nabasag ang boses ko.

"Briana, you don't have to do this!" Nangilid din ang mga luha ni Dark.

"Dark, I have no choice! Akala ko ay kaya kong tiisin at makitang nahihirapan si Kuya Brixel, bata palang kami ay ginagawa na niya ang lahat para sa akin. Nagpapaubaya siya sa lahat ng pagkakataon. Sa tuwing may ginagawa akong kasalanan ay siya ang umaako para hindi ako ang mapagalitan ng parents namin."

"He always convinced my parents for me. Sa tuwang napapaaway siya dahil sa akin ay wala akong narinig na paninisi mula sa kanya. And now, he's losing everything because of me, iyon pa ba ang igaganti ko sa lahat ng sakripisyo ni Kuya sa akin?" Tuluyang nag-unahan ang mga luha ko. "Akala ko ay kaya kong talikuran ang pamilya ko basta lang maging masaya ako pero tangina! Hindi ko pala kaya, Dark."

Humagulhol na ako.

"Briana." Nabasag ang boses ni Dark. "Mahal na mahal kita."

"Dark, wala namang mawawala sa'yo, e. Pero sa amin mawawala ang lahat! Lahat ng pinaghirapan ni Kuya ay mapupunta sa wala. Lahat ng pagod at sakripisyo niya ay walang patutunguhan!"

Chasing Dark (Chasing #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon