Chapter 16

421 10 1
                                    

Linggo at balak ko sanang mag-gym kaya lang ay nang bumangon ako kaninang alas sais ay muli nanaman akong bumalik sa higaan ko. Alas otso nang tuluyan akong bumangon. Napagdesisyunan ko na mag-jogging na lang muna ako paikot dito sa subdivision kesa naman wala talaga akong gawin. I just did my morning routine then I left my room.

Umangat ang isang kilay ko nang makita si Dark na prenteng-prenteng nakaupo sa sofa.

"Briana." Tinawag niya pa ako pero nagderederecho ako papuntang kusina. Nadatnan ko naman na nagluluto si Kuya Brixel.

"Mag-jigym ka?" he asked.

Umiling naman ako. "Jogging lang."

"Bakit busangot ka? Nag-away ba kayo ni Dark? Gusto mo ba bugbugin ko na?"

Umangat ang sulok ng labi ko. "Funny."

"I'm not joking, Briana."

Kinuha ko na ang tumbler na dadalhin ko.

"Bakit ba nandito ka pa?"

"I have some business to do."

Nakakaloko ko pa siyang tinignan. "Business? Personal matters? Lovelife?"

Halata namang nagulat siya sa tinanong ko. Kabisadong-kabisado na kita, Brixel Jayden.

"It's not what you're thinking."

I just shrugged my shoulders.

Lumabas na ako sa kusina. Agad namang tumayo si Dark nang makita ako.

"Briana, let's talk."

I rolled my eyes. Wala akong balak kausapin si Dark pero nakita ko si Kuya Brixel na nakatingin sa amin.

"Follow me," I said coldly.

Nang makalabas ako ng gate ay Nagsimula na akong magjogging, sumunod naman sa akin si Dark.

"Can we talk first?"

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pag-jajogging.

"Briana, kausapin mo naman ako."

I plugged in my earphone.

"Ano ba?" singhal ko nang hilahin ako ni Dark.

He took a sigh. "Can we just talk first? You just keep on avoiding me, paano natin 'to maaayos?"

I raised my eyebrow. "Paano nga ba, Dark? Paano nga ba?"

"I'm drunk last time."

"Talaga ba? O, palusot mo lang 'yan? Sa tuwing lasing ka ba ay naiimagine mo na ako si Vera?"

Natigilan naman siya sa sinabi ko.

"What? Briana, alam mong hindi pa ako lubusang nakakamove-"

Pinutol ko ang sinasabi niya. "Oo, Dark! Alam ko! Pero sana naman ay hindi mo na lang sinabi na mahal mo rin ako, mas masakit e. Mas masakit!" Nag-init ang ilalim ng mga mata ko.

"I'm sorry."

"'Yang sorry mo, do you really mean it? Your 'I love you' do you really mean it? I didn't expect anything from you for now, Dark. Pero sana bago mo bitawan ang mga salitang 'yan ay totoo ang ibig sabihin para sa'yo. Yes! I'm here for you, yes! I'll help you to move on, yes! I'm a rebound, pero sana naman Dark ay isipin mo rin ang nararamdaman ko kahit konti." Agad kong pinunasan ang luhang tumulo sa mga mata ko.

"I'm not forcing you to stay, Briana. Kung pagod ka na sakin-"

"Pagod na ako, yes! But I'm here, I'm here for you. Ang akin lang naman ay tulungan mo rin ang sarili mo para makamove on kay Vera hindi 'yong iaasa mo lang sa akin lahat. Kasi kahit anong hirap ko kung mukhang wala ka naman balak kalimutan siya ay ano pang silbi ko?"

Chasing Dark (Chasing #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon