Chapter 21

435 12 4
                                    

"Time flies so fast! Imagine? Mommy na kayong tatlo, naunahan niyo pa si Ate Kim!" sabi ko sabay tawa.

Ngumuso naman si Ate Kim. "Briana!"

Nagtawanan naman kami.

Nasa veranda nitong Villas ang mga boys habang kami ay nandito sa sala. Gabi na at hindi na pwedeng mahamogan ang mga buntis kaya pinapasok na kami ng boys.

"Bri, we're so happy for you. You deserve all the love that Dark is giving you." sabi ni Vera na ngayon ay nakangiti.

Hinawakan ko naman ang kamay niya. 

"Thank you, Vera. Masayang-masaya ako."

"Masarap magmahal ang mga Montreal, diba?" sabi ni Andrea.

Sakto namang pasok ni Dark. Ngumisi pa siya sa akin at nag-init ang pisngi ko nang lumapit siya sa akin at yumakap.

Inulan naman kami ng panunukso nila Kyril.

"Bagay kayo!" komento pa ni Kyril.

"I'm so happy for you Dark, alagaan mo si Briana," si Vera.

Nilingon ko naman si Dark. Ngumiti siya kay Vera. "I'll take good care of her, Vera."

Napangiti naman ako.

"Actually he's already taking good care of me."

"Kapag sinaktan mo si Briana ay hindi lang si Brixel ang hahaunting sa'yo, pati kami!" pananakot pa ni Kyril nagtawanan naman kami.

Maya-maya ay pumasok na rin ang mga boys.

"Hindi ka pa inaantok?" Yumakap si Stephen kay Andrea tsaka hinaplos ang tiyan nito.

Umiling pa si Andrea. "Maaga pa, Daddy."

Kinilig ako sa pagtawag ni Andrea kay Stephen ng Daddy. Nagtawanan naman sila sa pagtili ko.

Nagkwentuhan kami hanggang sa bago mag-alas nuebe, hindi rin kasi pwedeng magpuyat ang mga buntis. Magkakasama silang lahat sa Villa na katabi namin, mas malaki iyon kumpara sa Villa namin.

Hinatid na ako ni Dark sa room ko, yes! We have separate room kahit na sinabi kong hindi naman kailangan.

"Good night, Bri. Sana ay napasaya kita ngayong birthday mo."

I smiled at him. "Of course, Dark! Masayang-masaya ako."

He kissed me in the forehead.

"Sleep tight, Bri. I love you."

Aalis na sana siya pero pinigilan ko.

"Dark."

"Hmm?"

I bite my lower lip. "Pwede bang tapusin natin ang birthday ko na magkasama?"

Nangiti naman siya. Isinipit niya pa ang mga takas kong buhok sa likod ng tenga ko.

"Sure, Briana." He smiled.

"Let's walk at the seashore."

"Malamig na sa labas." Hindi niya pagsang-ayon.

Ngumuso naman ako. "Please? Alam kong hindi mo ako matitiis, Dark."

He rolled his eyes. "Magsuot ka ng makapal na jacket."

"Yes, sir!"

Agad akong pumasok sa kwarto ko para kumuha ng jacket.

Kinuha ni Dark ang kamay ko then he intertwined his hand on mine. Paglabas palang namin ng Villa ay sinalubong na agad kami ng malamig na hangin.

Chasing Dark (Chasing #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon