Chapter 34

363 11 1
                                    

Nahirapan na ulit akong bumalik sa pagtulog. Ang daming bumabagabag sa isip ko.

Bakit ba kailangan pa mangyari ang ganitong pagsubok sa pamilya namin? At sino naman ang mag-aakala na ang spoiled brat na katulad ko ang makakapagsalba sa lahat ng meron kami? Lumaki akong lahat ng pabor ay nasa akin. I can get whatever I want in just one snap of my finger. Wala akong ginawang kahit na anong hirap para sa pamilya tapos ngayon ay nakasalalay sa akin ang lahat ng meron kami? Sana ay panaginip na lang lahat ng 'to.

Puyat na puyat ako at tamad na tamad akong bumangon. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at mabuti na lang ay hindi na namumugto ang mga mata ko, may times kasi na matagal bago mawala ang pamumugto ng mga mata ko.

Ang aga-aga ay nadatnan ko si Kuya sa mini bar at umiinom na agad ng alak.

"Sarap ng almusal mo, ah?" sarkastikong sabi ko.

He just shrugged his shoulders.

Maya-maya ay dumating na rin si Dark.

"Good morning, baby!" Humalik pa siya sa pisngi niya.

"Morning," plain na sabi ko.

"Hindi maganda ang gising?"

Tumango lang ako.

"Saan mo gustong magbreakfast?"

Derecho lang sa labas ang tingin ko. Hindi talaga maganda ang gising ko dahil bukod sa puyat ay ang dami ko rin iniisip.

"Magdrive thru na lang tayo sa Jollibee, may meeting ako ng maaga."

"Sure."

Mahina pang tumawa si Dark.

Nilingon ko naman siya. "Bakit ka tumatawa?"

"Mukhang hindi lang dahil sa hindi maganda ang gising mo kaya ang sungit mo, may dalaw ka no?"

Umangat ang sulok ng labi ko. "Wala kaya!"

Lalo naman siyang natawa.

Nakapagdrive thru na kami at kanina pa ako inaasar ni Dark.

"Ano ba, Dark? Kanina ka pa nang-aasar at tawa nang tawa kahit wala namang nakakatawa!" inis na sabi ko.

Natigilan naman si Dark.

Lumungkot ang mga mata niya. "I'm sorry. I'm tyring to cheer you up."

Huminga naman ako nang malalim. "Sorry din. Hindi lang talaga maganda ang mood ko ngayon."

Ibinitaw niya ang isang kamay niya sa steering wheel at kinuha ang kamay ko para halikan.

Hindi pa rin gumaganda ang mood ko at maging si Feliz ay nasungitan ko kanina.

Damn! Nafufrustrate pa akong napasabunot sa buhok ko.

Hindi ko na namalayan ang oras dahil inabala ko ang sarili ko sa pagtatrabaho para mawala ang pag-iisip ko sa problemang kinakaharap namin ngayon.

Bumukas ang pinto ng opisina ko at tumambad sa harap ko si Dark na may dalang malaking bouquet ng bulaklak. Nakaramdam naman ako ng guilt sa pagsusungit ko sa kanya kanina. Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Sorry sa pagsusungit ko sa'yo kanina."

He smiled. "It's okay, I love everything about you. For you." Inilahad niya pa ang hawak niyang bulaklak.

Chasing Dark (Chasing #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon