Chapter 38

421 12 1
                                    

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Dark. Ano bang dapat kong sabihin?

Hindi ko na rin pinansin sila Daniel at sila Shin lang ang pinagkakausap ko. Hindi na rin naman sila nagtagal at nakahinga na ako nang maluwag, kanina ay parang ang sikip-sikip dito sa room.

"Ano ba kasing naisipan mo at bakit mo pupuntahan si Dark kagabi?" pang-uusisa ni Ate Kim. Maging sila Shin at Kuya ay naghihintay sa isasagot ko.

Ngumuso ako. "Hindi ko rin alam, basta nakita ko siya sa Music lounge or I don't know kung naghahallucinate lang ako."

"Sinabi ko naman kasi sa'yo, Briana. You don't have to leave him," si Kuya.

I smiled. "Hindi naman ako nagsisisi, hindi ko lang naman 'to ginawa para sa pamilya natin. Ginawa ko rin 'to para kay Dark."

Kumunot ang mga noo nila at mukhang nagugulahan.

"Paanong para kay Dark? E, iniwan mo nga siya?" naguguluhang tanong ni Ate.

I took a sigh. "Kasi kung hindi ko siya iniwan ay mawawala rin ang lahat sa kanya."

Lalo naman silang naguluhan kaya ikinuwento ko na ang tungkol sa phone call galing sa mommy ni Dark noong nasa Baguio kami, ito ang unang beses na sinabi ko sa ibang tao ang tungkol sa bagay na 'yon.

"Sabi na, e!" Umiling-iling si Kuya Brixel.

"Kaya naman pala all of a sudden ay biglang nagbago ang desisyon mo," malungkot na sabi ni Ate Kim.

I took a deep breath.

Kaya ko pala gawin ang lahat para kay Dark, kung kinakailangan na mawala ako sa buhay niya para maging maayos siya ay handa akong gawin iyon. Iba talaga ang tama ko kay Dark Montreal.

It's been a week since I went to an accident at ngayon ay busy ako dito sa opisina ko nang pumasok si Daniel.

"Briana, ayaw kitang abalahin pero-"

Nag-angat ako ng isang kilay kay Daniel. "Pero inaabala mo na ako."

He just took a sigh.

Mula nang maaksidente ako ay biglang bumait ang trato sa akin ni Daniel, hindi na rin siya nagyayabang sa kung sino siya at hindi na rin niya ipinapamukha sa akin na nabili niya na ako sa tuwing hindi ako sumasang-ayon sa mga gusto niya.

"Briana, please. Don't make things hard. Hindi na kita guguluhin pa sa ibang bagay para sa kasal pero para dito sa wedding gown mo, sana naman ay makicooperate ka. Kahit para sa wedding gown lang."

I rolled my eyes. "Fine! Basta siguraduhin mo na last na 'to dahil ayaw ko talaga mag-aksaya ng panahon para sa kasal na 'to."

Padabog pa akong tumayo mula sa swivel chair ko. Nauna akong lumabas kay Daniel sa opisina ko. May binilin lang ako kay Feliz tsaka tinungo na ang elevator.

"You can ride in my car."

Muli akong umirap.

May choice ba ako?

Hindi na ako pinapayagan ni Kuya na magdrive kaya hatid sundo ako ng driver namin, kung magtataxi naman ako ay baka abutin ako ng siyam-siyam dahil maya-maya lang ay rush hour na.

Palabas na kami sa elevator nang hilahin ako ni Daniel.

Umangat ang isang kilay ko sa kanya.

He took a sigh. "I'm in love with you, Briana."

"Si Dark ang mahal ko," walang pag-aalinlangan na sabi ko tsaka hinila ang braso ko na hawak niya.

"Hindi kita pinipilit na mahalin ako agad, Briana. I will give you some time pero hindi mo ako pwedeng hindi mahalin dahil magiging asawa mo ako."

Chasing Dark (Chasing #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon