Chapter 18

426 12 2
                                    

Tulad ng sinabi ko kay Kuya ay umuwi ako kahit ayoko. Gusto ko pa sana magstay sa condo ni Dark dahil anong oras na rin kaya lang ay baka mapagalitan nanaman ako ni Kuya Brixel at baka lalo niya akong paghigpitan kahit wala naman akong balak sundin ang mga paghihigpit niya.

Hinatid ako ni Dark dahil ayaw niya na akong pagdrive-in ng ganitong oras.

Mabuti na lang ay umuwi ako dahil itong si Kuya Brixel ay talagang inaabangan ako.

I rolled my eyes. "Umiinom ka nanaman. Mula nang maghiwalay kayo ni Ate Kim ay hindi ka na naawa sa atay mo."

"Ano 'yong tungkol kay Daniel Olivarez?" Hindi niya pinansin ang sinabi ko.

Ngumuso naman ako. "Hindi mo na makukuha ang project na inaasam mo."

Naningkit ang mga mata niya. "Bakit, Briana? May ginawa ka bang kalokohan?"

I raised my eyebrow. "Anong kalokohan? He wants to close the deal with me pero gusto niya ay magdinner kaming dalawa and of course! I won't let that happen. Anong tingin niya sa akin? Cheap?"

Hinilot niya ang sintindo niya.

"Mahalaga ang project na 'yon sa akin, Briana."

Ngayon ay mga mata ko naman ang naningkit.

"What are you trying to say? Na pumayag ako na makipagdinner with him? Kung wala akong boyfriend ay papayag ako, Kuya. Kahit pa na magmukha akong cheap!" singhal ko.

He took a sigh. "It's just a dinner. Wala namang malisya kung hindi mo iisipan."

"What?" Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

"Naririnig mo ba 'yong sarili mo? Paano kung si Ate Kim ay makipagdinner sa ibang lalaki? Walang bang malisya para sa'yo iyon?"

Natigilan naman siya.

"Alam mo, Kuya? Napapagod na ako sa mga pagtatalo natin. Aalis na ako sa bahay mo!" nanggagalaiting sabi ko.

"Briana!" sigaw niya pa.

I can't stand his attitude anymore!

Simula talaga nang maghiwalay sila ni Ate Kim ay nag-iba si Kuya Brixel.

At kahit maya-maya lang ay madaling araw na ay walang pag-aalinlangan akong tumawag kay Ate Kim habang iniempake ang mga damit ko.

"What? Kumalma ka nga. Kilala mo naman ang Kuya mo."

"He's getting worst, Ate! Please sunduin mo ko or I will just book a hotel." Ngumuso pa ako.

"Fine! Susunduin kita. Mga 20 minutes siguro ay nanjan na ako."

Napangiti naman ako. "Sabi ko na, hindi mo ko matitiis."

Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya.

Nang magtext si Ate Kim na nasa labas na siya ng bahay namin ay agad akong lumabas sa kwarto ko.

"Briana, nababaliw ka na ba?" singhal sa akin ni Kuya.

Matalim ko siyang tinitigan. "Ikaw ang nababaliw! I can't stand you anymore, Kuya. I'm so tired of you controlling my decisions, controlling my life. Hindi na ako bata!"

Pilit niya pang inaagaw ang maleta ko.

"Kuya, Ano ba! Hinihintay na ako ni Ate Kim!"

Natigilan naman siya sa sinabi ko at binitawan ang maleta ko. Nagmadali akong lumabas ng bahay.

"Briana, masyado kang padalos-dalos. Nakainom ba ang Kuya mo?" si Ate Kim nang makasakay na ako sa front seat ng kotse niya.

Chasing Dark (Chasing #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon