Chapter 36

406 12 2
                                    

Kahit na marami akong ginagawa sa oras na tumigil ako ay walang ibang sumasagi sa isip ko kung hindi si Dark. I almost called him pero mabuti na lang ay napigilan ko ang sarili ko.

Briana, remember kung bakit mo siya sinaktan? Kung bakit binali mo ang mga pangako mo sa kanya? 'Cause it's for his own good.

Lunch na at kanina pa ako walang ginagawa, hindi ako makaramdam ng gutom. I blocked Dark's number 'cause he's calling for I don't know how many times now.

"Ms. Briana," si Feliz through intercom.

"Yes Feliz?"

"Nasa lobby po si Mr. Dark Montreal."

Parang kinurot ang puso ko.

Dark, stop it! Give up on me 'cause I already gave you up!

"Pakisabi may meeting ako at wala akong time para sa kanya."

Alas dos na at nakaramdam ako ng pagkahilo, siguro ay dahil na rin sa gutom. Bumukas ang pinto ng opisina ko at iniluwa nito si Feliz na may dalang pagkain.

"Hindi pa po kaya naglalunch, Ms. Briana. Sa canteen na lang po muna ako bumili, hindi ko po kasi alam kung anong gusto niyo."

I smiled at her. "Thank you, Feliz!"

"And Ms. Briana, kung gusto niyo pong maglasing ulit sa club, game na game po ulit ako."

"Sige, ah? Asahan ko 'yan."

Tumango naman si Feliz.

Bandang alas tres ay kinakain ko na ang dinalang pagkain ni Feliz, nagugutom na rin kasi talaga ako.

"Ms. Briana,"si Feliz ulit mula sa intercom.

"Nandito po si ulit si Mr. Dark Montreal." Rinig ko ang lungkot sa boses ni Feliz.

I took a sigh. "Busy ako pakisabi, wala pa rin time para sa kanya."

Dark, ano ba? Wag mo na pahirapan ang sarili mo dahil hindi na magbabago ang desisyon ko!

Ngayon lang ako inabutan ng dilim dito sa office, alas otso na pero nagtatatrabaho pa rin ako. Ganito pala kapag broken-hearted, no? Parang hindi ka nakakaramdam ng pagod dahil sa sakit na nararamdaman ng puso mo. At isa pang dahilan kung bakit nagpalate ako ng uwi ay dahil natatakot ako na baka nanjan lang sa baba si Dark, ayokong magtama ang landas namin, ayoko na ulit makita ang mga magagandang mata niya na nagsusumamo, mga magagandang mata niya na nagsasabi kung gaano siya nasasaktan.

Tumawag pa ako sa security sa baba para itanong kung naroon ang dinescribe kong sasakyan, ang Raptor ni Dark. Nang masiguro ako na wala ay bumaba na ako.

Habang nagdadrive ako ay lumilipad ang isip ko, isang araw palang pero miss na miss ko na si Dark. Namimiss ko 'yong pagsundo niya sa akin sa office at kailanman ay hindi siya nalate, lagi pa nga siyang maaga kung sumundo.

Nanlamig ang katawan ko nang makita ko kung kaninong kotse ang nasa tapat ng bahay ni Kuya. Kaya naman pala wala si Dark sa labas ng kompanya ay dahil nandito siya sa labas ng bahay ni Kuya. Napatili pa ako nang biglang humarang si Dark sa daan.

Shit! Muntik ko na siyang mabangga!

Mukhang walang balak tumabi si Dark kaya kahit ayoko ay bumaba na ko sa kotse ko. Nabuhayan naman siya nang makita ako.

Chasing Dark (Chasing #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon