Chapter 22

465 8 3
                                    

Lalabas na dapat ako nang tumunog ang phone ko.

Unknown is calling

Napairap naman ako. Kailangan nang matigil ang panggugulo ng babaeng 'to.

"Ano bang kailangan mo, Vanessa?" iritadong tanong ko.

Mahina naman siyang tumawa. "I'm sure you're crying right now. Masakit ba?"

"Wala akong alam sa pinagsasasabi mo at wala rin akong pakialam sa'yo. Kaya pwede ba? Stop texting me those nonsense messages!"

Muli siyang tumawa na lalong nagpairita sa akin.

"Oh, My God! Mukhang wala ka pa ngang alam. Mukhang hindi mo pa nababasa iyong article? Pinagpipyestahan na rito sa Maynila pero wala pa rin kaalam-alam ang girlfriend ni Dark Montreal."

"Wala akong panahon sa kabaliwan mo."

"O, baka naman nabasa mo na pero hindi mo lang matanggap na napaglaruan ka ni Dark? Na ginamit ka lang niya bilang past time. Na kahit na alam niyang sa akin rin naman ang bagsak niya ay pinili niya pa ring gamitin ka. O, baka naman ginamit ka niya para lang takasan ako? Kasi ginawa niya na 'yan before, but it didn't work."

"Shut up! Ganyan ka na ba talaga kadespera-"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil biglang nagtilian sina Kyril. Nagmadali akong lumabas at nadatnan ko si Dark sa sahig, duguan ang gilid ng labi niya.

"Kuya!" saway ko kay Kuya Brixel. "Anong ginawa mo?" galit na sigaw ko.

"Ano, Dark? Magsalita ka! Totoo ba 'to?" Galit na galit si Kuya na ngayon ay hawak nila Stephen.

Ipinakita ni Kuya Brixel ang phone niya kay Dark.

"Ano ba 'yan?"

Halos mabitawan ko ang phone ko sa nabasa ko.

Ito ba 'yong article na sinasabi ni Vanessa?

After 8 years of engagement, Dark Montreal and Vanessa Olivarez decided to marry later this year.

"Dark." Nabasag ang boses ko. I don't know what to say.

Nagsusumamo ang mga mata ni Dark.

"Please let me explain."

"Is this true?"

"Briana."

"Totoo ba 'to?" sigaw ko.

"I'm sorry."

Doon ay tumulo na ang mga luha ko.

"Brian,  let me explain please!" he pleaded.

"Tangina mo, Dark!" sigaw ni Kuya Brixel.

"Brixel, calm down!" saway pa sa kanya ni Ate Kim.

"Leave us alone, please."

"Hindi! Uuwi na tayo, Briana!" madiin na sabi ni Kuya.

"Leave us alone!" sigaw ko. "Please, Kuya."

Kahit tutol ay sinunod pa rin ni Kuya Brixel ang sinabi ko. Ngayon ay kami na lang ni Dark ang nandito.

"Briana."

Tumayo ako at lumayo kay Dark.

"So you're engaged? Matagal na pala. Bago pa kayo magkasama ni Vera. May balak ka bang sabihin sa akin 'to, Dark?"

"Meron, Bri. Kaya lang ay nawala na sa utak ko 'cause I don't have any plans to marry Vanessa."

"Pero magpapakasal kayo!"

Chasing Dark (Chasing #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon