Chapter 26

425 13 2
                                    

Hindi naman masyadong masakit ang ulo ko paggising ko kaya lang ay antok na antok pa ako. Ginising na kasi ako ni Jade dahil may nakaready daw na breakfast sa garden. Boodle fight daw.

Nang tignan ko ang orasan ay alas syete palang nang umaga, kaya naman pala antok na antok pa ako.

Wala na akong nagawa kung hindi maligo, may sariling c.r. naman 'tong guest room nila Alezander.

I wear a simple floral spaghetti strap romper and a pair of flip flops. Nagblower lang ako ng buhok tapos ay bumaba na rin ako.

Napangiti naman ako nang makita si Dark sa sala. Mukhang hinihintay niya talaga ako dahil nang makita niya ako ay agad siyang tumayo.

"Good morning!" he whispered then he kissed me in the cheek.

I smiled at him. "Morning, Dark. How's your sleep?"

Pinipilit ko pa nga si Dark na tabi na lang kami matulog kagabi dahil hindi naman tumabi sa akin si Jade, nakigulo ata kina Kuya niya pero hindi naman pumayag si Dark.

"Sobrang maayos, hindi gaya noong mga araw na hindi tayo okay, Bri." Niyakap niya pa ako.

"Tama na 'yan! Kakain na." Nakangisi pa si Kyril. Kinuha naman ni Dark ang hawak nitong pitchel.

Kahit na mga puyat at may mga hangovers ay game na game pa rin ang lahat sa boodle fight na 'to. Si Sazy ang naglead ng prayer bago kami kumain.

"Sinong naghanda nito?" tanong ko.

"Ang mga boys," sagot naman ni Andrea.

Tinignan pa ako ni Shin na halatang nagyayabang.

"Ano, Bri? Sinong mas weak sa ating dalawa? Kahit na lunurin ko na ang sarili ko sa alak kagabi ay nauna pa rin akong magising sa'yo at nakatulong pa ako sa paghahanda. 'Yang kinakain mo, ako ang nag-ihaw niyan!"

I rolled my eyes. "Ang yabang mo!"

"Ayan nanaman po sila." Umiling-iling pa si Vera.

Nagtawanan naman sila at maging si Dark ay natawa rin.

"Ganyan sila parati, Dark," sabi pa ni Kyril.

"I think you're the cutest," bulong pa sa akin ni Dark na siyang nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Ano ba, Dark?

Inulan pa kami ng tukso nila Celine nang ipaghimay ako ni Dark ng inihaw na bangus. Kaya ko naman kaya lang ay makulit itong si Dark at gusto niya na siya raw ang gumagawa ng mga ganoong bagay.

"Iyong libreng seminar, ah?" natatawa pang sabi ni Celine. Nagtawanan naman kami.

Mukhang masaya naman ang lahat para sa amin ni Dark except for Kuya Brixel. Alam niyo na, kontrabida sa buhay ko.

After our boodle fight ay tumambay muna kaming lahat dito sa garden, ang sarap din kasi ng hangin dito.

"Ang bilis ng panahon, no? Dati lang ay sa Celestina lake natin ginawa iyong ganitong boodle fight," sabi pa ni Jade. "Sorry sa mga hindi makakarelate," hirit niya pa.

Nagtawanan naman kami.

"Naalala niyo noong tinakot tayo ni Shin? Kaya nakipagsiksikan tayo sa boys sa tent nila." Natawa pa ako nang maalala ang memories na 'yon.

Chasing Dark (Chasing #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon