Chapter 32

363 13 0
                                    

Alas kwatro palang ay nagising na ako dahil sa isang masamang panaginip. Sa panaginip ko ay nagmamakaawa sa akin si Dark na magstay ako pero masyadong matigas ang puso ko doon, parang wala akong pakialam kay Dark at napakalabong mangyari sa totoong buhay dahil hindi ko kayang makitang ganoon si Dark, nakaluhod at nagmamakaawa.

Pinilit ko naman na matulog ulit dahil alas sais pa naman ang gising ko kapag may trabaho ako kaya lang ay hindi na talaga ako inaantok kaya naisipan ko na gawin na ang morning routine ko.

"Ang aga mo ata?" Nadatnan ko si Kuya na sa sofa at nagkakape.

"Hindi na ulit ako nakatulog nang naalimpungatan ako."

Nagpunta ako sa kusina para magtimpla ng kape, magkakape lang muna ako since sabay kaming magbebreakfast ni Dark. Naisipan ko muna na magcheck ng social media accounts ko habang naghihintay kay Dark.

I rolled my eyes when I saw my inbox, sa facebook man, instagram o twitter. Ang daming trolls na nagmemessage sa akin.

"Maang-aagaw"

"Maganda nga malandi naman."

"Mang-aagaw ng fiancé!"

"Malandi! Pokpok!"

I rolled my eyes. Magkano naman ang binayad ni Vanessa sa mga trolls na 'to? Nakakatawa siya, anong akala niya? Maapektuhan ako ng mga ganito?

"Busy?"

Nag-angat ako ng tingin at tumambad sa akin ang gwapong mukha ni Dark.

"Kanina ka pa?"

"Hindi naman. Shall we go?"

Tumango naman ako. Nagpaalam lang kami kay Kuya tsaka tuluyang umalis.

"How's your sleep?" tanong niya nang nasa may kotse na kami.

"Okay naman. Maaga lang ako masyadong nagising."

"Oo nga, e. Ang aga mo nagising. Why?" kuryosong tanong niya.

Sa tuwing pagmulat kasi ng mga mata ko sa umaga ay agad akong nagmemesage kay Dark.

"I had a bad dreams, it's a nightmare for me actually."

Kunot noo naman siyang sumulyap sa akin.

"Tungkol saan?"

Ngumuso naman ako. "Tungkol sa atin."

Muli siyang sumulyap sa akin.

"We're breaking up in my dreams and you were begging for me to stay, pero ang tigas ko sa panaginip ko na 'yon."

Naramdaman ko ang kamay ni Dark sa kamay ko. "Kung sakaling iiwan mo ako ay ganon talaga ang gagawin ko. I will beg until you change your mind."

"Hindi ko naman hahayaan na magmaakaawa ka, 'cause we will never break up."

Hinalikan niya ang kamay ko at sumulyap ulit sakin. "I love you."

I smiled too. "I love you too, Dark."

After namin kumain sa isang restaurant ay hinatid na din ako ni Dark sa office.

"Sabay tayo maglunch mamaya, okay?"

I nodded. "Okay."

Hinila ako ni Dark at hinalikan.

"Don't worry too much, okay?"

"Ikaw ang wag magworry jan. I'm fine." I tiptoe to give him a kiss. "Drive safely."

"Yes, baby."

Chasing Dark (Chasing #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon