Chapter 25

509 12 3
                                    

"Hell no!"

Ngumisi si Shin. "Dati mong ka-fling si Clark, diba? Hindi mo alam na Montreal siya?"

"Iyon na nga, e. Fling lang at hindi boyfriend kaya bakit ko naman kailangan alamin ang lahat ng tungkol sa kanya?"

"Para sa mga ganitong sitwasyon." Tumawa pa siya.

Naningkit naman ang mga mata ko sa kanya.

"I will keep my mouth shut, pero hindi ko lang alam kay Clark. Imposibleng hindi niya ipagyabang na naghalikan sila ng isang Briana Larson."

Ngumuso naman ako. "Wag mo nga akong tinatakot!"

"Hindi kita tinatakot, Bri. Hindi naman imposible ang sinasabi ko, diba?"

Napakamot ako sa ulo ko.

Nakakabaliw!

Halos hindi ako patulugin sa pag-iisip ko tungkol kay Dark at sa nagawa ko.

Mapapatawad naman niya ako, diba? Maiintindihan naman niya na lasing ako kaya wala ako sa sarili ko noong gabi na 'yon. Tama! He will understand me.

Days had passed at ngayon, abala kaming lahat sa pagdedecorate dito sa bahay nila Kyril kasi dito gaganapin ang baby shower. Bale ang nandito ay sina Sage, Vera, Andrea, Stephen, Shin, Ate, Kim, Jade, Sazy at Celine. Si Kuya Brixel ay may inasikaso at siya na rin ang magdadala ng mga regalo namin.

"Ano ba, Shin!" signhal ko nang pahidan niya ako ng glitters sa mukha. "Para ka pa ring bata!"

"Wow! Nahiya naman ako sa'yo, Briana Jisella! Kanina kung makapahid ka ng glue, wagas ah?"

Humagalpak naman ako sa tawa.

"Matatapos nga kayo niyan." Iiling-iling pa si Ate Kim. Nagtawanan naman kami ni Shin.

Before 5:00 'o clock in the afternoon, we've done decorating.

Nagpunta ako sa c.r. para magfreshen up at magpalit na rin ng damit.

I'm now wearing a cream body suit, high waist denim ripped jeans and a pair of black ankle strap heels.

Paglabas ko sa guest room ay papasok naman si Jade.

"Excited ka na ba?"

I giggled. "Sobrang excited!"

"Same, girl!"

Dito sa pool area gaganapin ang baby shower. Natuwa naman ako habang pinagmamasdan ang ginawa namin.

"Briana."

Nilingon ko si Shin. "Bakit?"

"Si Dark, nasa labas."

Namilog naman ang mga mata ko. "What?"

"It's about time, you should talk to him kung gusto mo pang isalba ang relasyon niyo."

Ngumuso naman ako. He's right. Wala namang mangyayari kung iiwas at iiwas lang din ako.

Nanginginig pa ako habang palabas ako ng bahay nila Alezander. I took a deep breath. Nakasandal si Dark sa kotse niya.

Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit ay nakita na niya ako. Halos takbuhin niya ang pagitan namin at napapikit ako nang yakapin niya ako.

"Damn! I missed you so much!" he whispered. Parang nilulukot naman ang puso ko. "I gave you some time and space to think, natakot kasi ako na baka kapag pinalit kita ay lalo ka lang mawala sa akin, Briana."

"I'm sorry!" malungkot na sabi ko.

I felt his lips on my head. "No. I should be the one to say sorry. I'm sorry for keeping it a secret to you. I'm hoping that you can still forgive me, that we can still fix this 'cause I don't want to lose you, baby." Nabasag ang boses niya.

Chasing Dark (Chasing #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon