Chapter 17

420 14 0
                                    

Nang makaalis si Daniel Olivarez ay sinimulan ko na ang mga trabaho ko. I'm currently checking a portfolio when Feliz entered my office.

"Ms. Briana, may delivery po kayo," sabi niya. "Galing po kay Mr. Dark Montreal."

Ang kunot na noo ko ay agad nawala at napalitan ng malaking ngiti.

"Thank you!"

Bigla namang tumunog ang phone ko.

Dark is calling...

"Hey!" Hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi ko.

"Sorry hindi kita masasabayan sa lunch. Kumain ka na at wag kang magpapalipas ng gutom. I'll pick you up later."

"Okay. Ikaw rin kumain ka na. I miss you."

He chuckled.

"I miss you too."

It was a short conversation 'cause Dark is too busy today.

Matapos kong kainin ang food na pinadala ni Dark ay bumalik na ulit ako sa trabaho ko.

Muling tumunog ang phone ko at akala ko ay si Dark ulit pero isang unknown number.

From: Unknown
Paano ba 'yan? Pinaubaya na sa akin ni Dad ang pagdedesisyon about your brother's proposal to us, we can close the deal anytime. It's up to you, Briana.

I rolled my eyes. Ganoon ba kacheap ang tingin mo sa akin? Bwiset!

Alas singko nang magligpit ako ng gamit at nagmadaling bumaba dahil nasa lobby na si Dark.

"Hey!" bati ko kay Dark.

Tumayo naman siya agad nang makita ako. He kissed me on the cheek dahilan kung bakit may mga narinig akong impit na tili.

"Shall we go?"

I smiled at him. "Tara!"

"Dark."

"Hmm?" Nakafocus ang mga mata niya sa daan.

"Si Daniel Olivarez."

Sumulyap naman siya sa akin. "What about him?"

"Close ba kayo? Diba friend mo si Vanessa, 'yong sister niya?"

Muling sumulyap sa akin si Dark.

"Bakit parang interesado ka sa kanya?" madiin na tanong niya.

"Hindi, ah! Nagpunta kasi siya sa office kanina."

He raised his eyebrow. "At bakit?"

"Meeting. Ka-meeting dapat siya ni Kuya kaya lang ay wala si Kuya kanina. That Daniel Olivarez is so annoying. Napaka-unprofessional!" reklamo ko pa.

Nastuck kami ni Dark sa traffic kaya ngayon ay nasa akin na ang buong atensyon niya.

He clenched his jaw.

"Anong ginawa niya?"

"May proposal kasi si Kuya sa daddy ni Daniel and Kuya Brix want to get the project so bad at ito namang si Mr. Olivarez ay pinaubaya ang pagdedesisyon kay Daniel."

"Anong gusto niya?" madiin na tanong ni Dark.

"A dinner with me."

Nakita ko kung paano sumilay ang galit sa mga mata ni Dark. Sa loob-loob ko ay nagdidiwang na ako. Ganyan nga, Dark, magalit ka.

"At ikaw? Pumayag ka?"

Natigilan naman ako at tila nag-iisip pa. Sinadya kong maging ganito ang reaksyon para lalong magalit or should I say, magselos si Dark?

Chasing Dark (Chasing #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon