Chapter 3

482 15 1
                                    

Pagbalik ko sa suite ko ay naligo agad ako. Katatapos ko lang maligo nang may kumatok sa pinto ng suite ko.

"Dark."

Bumungad sa akin ang bagong gising na si Dark.

"Kumusta ka? Bakit ka umalis sa suite ko?"

"Gusto ko na maligo tsaka nagugutom na rin ako." Umasta akong normal lang at walang bumabagabag sa akin.

"Hintayin mo 'ko, maliligo lang ako tapos ay sabay na tayong kumain."

Peke akong ngumiti. "Sure."

Nang maisara ko ang pinto ay napabuntong-hininga ko.

Umayos ka nga, Briana!

"Bakit parang ang tahimik mo? Tungkol ba 'to sa nangyari sa atin?" Nanunuri ang mga mata ni Dark.

Mabilis naman akong umiling. "Hindi, ah! Don't worry, Dark, hindi ko pinagsisisihan 'yong nangyari kagabi."

Pinagkrus niya ang mga braso niya. "Then why you're not with your usual self?"

"Medyo masama lang ang pakiramdam ko," pagsisinungaling ko.

"Dapat ay nagpa-room service na lang tayo ng food."

"Okay lang kaya ko naman bumaba."

He took a sigh. "Magstay ka na lang muna sa suite mo."

"Ayoko! Mamasyal tayo!" pagkontra ko sa sinabi niya.

Ilang araw na lang ang meron tayo dito sa Korea at ayaw kong masayang ang isang araw natin, Dark.

Pagkatapos naming kumain ni Dark ay umakyat siya sandali sa suite niya dahil nakalimutan niya ang wallet niya.

"Let's go?"

Ngumiti naman ako. "Let's go!" Pinilit kong pasiglahin ang boses ko.

Sa Seoraksan National Park ang destinasyon namin ngayon. Magkahawak ang kamay namin ni Dark ngayon habang naglalakad dito sa Park.

Ano kayang nararamdaman para sa akin ni Dark? 'Yan ang bagay na hindi ko kayang itanong. Natatakot ako sa magiging sagot ni Dark kaya sapat muna sa akin ang meron kami sa ngayon.

"In three days babalik na tayo sa Pilipinas," nasabi ko bigla.

Tinignan naman niya ako.

"Sa Manila na muna ko titira para asikasuhin ang ibang negosyo namin."

Mahaba-haba na rin ang naging bakasyon ko at nakakalimutan ko na hindi na ako bata at may mga seryosong bagay na akong dapat intindihin.

"Partner ka ni Sage sa The Veranica Hotel, diba?"

"Investor lang hindi naman totally partner," sagot ko.

"Ikaw ang tumulong sa kanya para maipatayo 'yong Hotel, hindi ba?" tanong niya ulit.

"Yup. Tinulungan ko siya nung simula pero siya naman ang nakapagpalago agad nung Hotel. Sage is really good in running a business. Business is for him."

"Do you still love him?"

Sa tanong na iyon ni Dark ay napalingon ako sa kanya.

"Kapag sinabi ko bang hindi na maniniwala ka?"

Nagkibit-balikat lang si Dark.

Maniwala ka dahil ikaw na ang tinitibok ng puso ko ngayon, Dark Montreal. Unti-unti kong napapatunayan na ang naramdaman ko noon para kay Sage ay mababaw pa.

Pagkatapos naming mag-ikot ikot ni Dark ay nagyaya ako sa isang noodle house na kung saan ay isa raw sa may pinakamasarap na noodles dito sa Seoul.

Chasing Dark (Chasing #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon