Chapter 8

392 16 3
                                    

Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko si Kuya sa may mini bar ng bahay. Derecho siyang nakatingin sa akin habang nilalagok ang isang baso ng Brandy na hawak niya.

"Are you with Dark?" seryosong tanong niya.

Umiling ako. "I'm all alone."

Tumango naman siya. "Kumain ka na ba?"

Umiling naman ako tsaka umakyat na sa kwarto.

Nagpahinga lang ako saglit tapos ay naligo na ako. Ilang beses pa akong kinatok ni Ate Yanyan pero mas gusto ko munang maligo.

Nagvibrate ang phone ko.

From: Dark
I'm here outside your house.

Kahit na kumikirot ang puso ko ay nakuha pa rin nito na maexcite. Kinuha ko ang robe ko at dali-daling bumaba.

"Si Kuya?" tanong ko kay Ate Belinda.

"Nasa kwarto na po niya, Ma'am Bri."

Tumango naman ako at nagtungo na sa labas.

"Hey!" bati sa akin ni Dark.

"Bakit ka nandito?" tanong ko.

Umangat ang isang kilay niya. "Hindi ka masaya sa pagpunta ko?"

Umangat ang sulok ng labi ko. "Pasok ka."

Pero imbes na pumasok ay hinila ako ni Dark papunta sa kotse niya.

"May problema ba tayo, Bri?" madiin na tanong niya.

Umiling naman ako. "Wala naman, Dark."

"Para saan ang cold treatment?"

I took a sigh. "I saw you earlier at the mall."

"Galing ka rin doon?" Kita ko ang gulat sa mga mata niya.

"You're with a girl."

"Ah! Si Vanessa, kaklase ko siya noong College." Ngumisi pa siya. "Okay, I get it. You're jealous."

"I'm not!" nahihiyang sabi ko.

"Come on, don't be jealous. She's just a friend of mine."

"Hindi nga sabi!"

Hinawakan niya ang baba ko para maiharap ako sa kanya.

"Nagpunta ako sa mall 'cause I want to buy a gift for you." May inilabas siyang red na rectangle box.

"Kaya hindi ko sinabi na pupunta ako sa mall then me and Vanessa bumped into each other at nagdinner kami."

Binuksan niya ang box at lumantad ang white gold two layer necklace. Ang unang layer ay star at ang pangalawang layer ay crescent moon.

Derecho siyang nakatitig sa mga mata ko habang kinakabit ang necklace sa akin.

"Hindi ka ba nahihirapan sa pagkabit? Tumalikod kaya-" Hindi ko pa tapos ang sinasabi ko ay nakabit na niya ang necklace.

"There you go," sabi niya sabay ngiti.

Nagsasayaw naman sa tuwa ang puso ko. Tinignan ko sa rear view mirror ang suot kong necklace.

"Ang ganda!" sabi ko.

"You like it?"

Tumango ako. "I like it, Dark! Thanks! But anyway para saan ang gift na 'to? Malayo pa ang birthday ko."

Pumungay ang mga mata niya. "It's a thank you gift, Bri." He caressed my cheek. "Thank you for staying even if it's not worth staying for."

Nakagat ko ang ibabang labi ko.

Chasing Dark (Chasing #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon