Chapter 27

382 12 2
                                    

Hindi ko alam kung bababa ba ako ng kotse or what. Kinakabahan talaga ako. Nakababa na si Dark at pinagbuksan na niya ako ng pinto nitong front seat.

"Dark."

Gusto ko na sabihin sa kanya bago niya pa malaman sa iba kaya lang ay hindi ko alam kung paano, I can't find courage to tell him.

Gaga ka talaga, Briana!

"Bakit?"

Umiling naman ako tsaka bumaba na sa kotse ni Dark. Habang papasok kami sa bahay nila Andrea ay nagdadasal ako na sana ay wala si Clark dito. Mukha na siguro akong constipated ngayon.

"Dark!" May sumalubong na lalaki kay Dark, masasabi kong pinsan nga nila dahil may hawig din kina Dark.

Apat na lalaki ang nandoon sa may sala bukod kay Stephen.

"Bri!" Tuwang-tuwa naman si Andrea na akala mo ay ngayon lang kami ulit nagkita.

"This is Briana, girlfriend ko," pagpapakilala ni Dark.

Halata namang nagulat ang mga pinsan niya. Siguro ay alam din nila ang tungkol sa engagement nila Dark at Vanessa, si Stephen ay alam din ang tungkol sa bagay na 'yon kaya lang ang akala niya ay hindi na iyon tuloy dahil nga sa ang tagal na.

"Briana, this is Clein, Kevin, Franco and Diether." Isa-isa naman akong nakipagkamay sa kanila.

"Nandito kanina si Clark, e."

Halos masamid ako sa sariling laway sa sinabi ni Stephen.

"Kaso umalis agad," dagdag niya pa.

Nakahinga naman ako nang maluwag.

Thank God!

Habang nakikipagkwentuhan si Dark sa mga pinsan niya ay nagtungo ako kay Andrea sa may kusina.

"Ands!"

Nilingon naman niya ako. "Bakit?"

"Diba naalala mo na ka-fling ko dati si Clark? Pinsan pala nila Dark 'yon."

Tumango naman siya. "Akala ko ay alam mo?"

"Sana nga inalam ko." Ngumuso pa ako. Humila ako ng stool chair at pumangalumbaba sa may counter table.

"Bakit? Nabobother ka na baka maging issue kay Dark kapag nalaman niyang ex-fling mo si Clark? Hindi naman siguro, Briana. Ang tagal-tagal na noon."

Muli akong ngumuso. "Buti sana kung iyon nga lang."

"What do you mean?" Kumunot pa ang noo ni Andrea.

Lumingon-lingon pa ako para makasiguro na walang ibang makakarinig sa amin. Rinig na rinig ko rin ang tawanan sa sala kaya sure akong kami lang talaga ni Ands ang nandito.

"Halika!" Sinenyasan ko pa siya na lumapit sa akin.

"Kinakabahan ako sa'yo, Briana!" sabi niya pa bago lumapit sa akin.

I took a deep breath.

"We kissed."

Imbis na makita ko siyang gulat ay kumunot ang noo ni Andrea.

"Feeling mo issue pa 'yon kay Dark? God! Anong akala mo kay Dark, high school student? Na issue pa iyong mga ginawa niyo noon ng ex mo-"

"We kissed at the bar. Last week lang noong nagpunta kami doon nila Shin."

Namilog ang mga mata ni Andrea. "Gaga ka!" singhal niya pa.

"I know, Andrea. I know!"

She took a sigh. "Hindi mo masabi kay Dark?"

Chasing Dark (Chasing #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon