Picture #1

248 13 32
                                    

[Jax]
Nireready ko na mga gamit na dadalhin ko para sa araw na ito. Nang makarinig ako ng katok mula sa pintuan ng kwarto ko.

Jax, iho? Napangiti ako at agad kinuha ang camera ko.

Pasok po. Malakas na sabi ko at agad tinutok ang camerang hawak ko sa may pintuan.

(Camera flash)

Ay susmaryosep! Gulat na sabi nito habang nakahawak sa dibdib nito.

Napangiti naman ako at agad tiningnan ang kinunan kong picture.

Nice shot po. Nakangiti kong sabi bago itabi ang aking camera.

Ginulat mo ako iho, pati ba naman ako ay kukunan mo din? Naiiling na sabi nito na siyang ikinatawa ko.

Wag po kayo mag-alala, Ya, maganda po yung kuha ninyo. Nakangiti kong sabi. Ano nga po palang kailangan ninyo? Agad kong tanong dito matapos kong isara ang bag na dadalhin ko.

Pinapatawag ka na ng Mommy mo. Handa na ang almusal.

Sige po. Susunod po ako. Nakangiti kong sabi kaya naman lumabas na si Yaya.
————————————————
Nang makarating ako sa dinning area namin ay nakaupo na sila Mom and Dad at hinihintay na ako.

Good morning son, mukhang bihis na bihis ka ah! Saan ang lakad mo? Tanong sakin ni Mom.

Mom, natatandaan po ba ninyo yung kinuwento ko sa inyong park na nakita ko na perfect place para sa shoot ko? Tanong ko kay Mommy at naupo na.

Yes, what about it?

Balak ko pong puntahan siya today para maghanap ng posible na subject na pwede kong idagdag for my plan. Nakangiti kong sabi kay Mommy.

Really?! that's good anak. So, kelan mo ipapakita kay Mommy yung mga shots mo? Natawa naman ako dahil sa tanong ni Mom.

Soon po. Once na complete na yung mga pictures na plan ko ilagay sa dream project ko. Promise po! Kayo ni Dad ang unang makakakita. Nakangiti kong sabi at nagsimula ng kumain.

Napanguso naman si Mommy sa ginawa ko.

Hon, give your son more time. He promise naman na ikaw ang unang makakakita. Hayaan mo na muna. Dagdag ni Dad.

Basta promise iyan anak ah.

Opo. Nakangiti kong sabi.

Son, don't forget about the training okay? Paalala sakin ni Dad na siyang tinanguan ko naman.

Don't worry Dad, clear na ang mga appointments ko that day. Pagsagot ko kay Dad.

I'm so lucky to have them as my parents, very supportive sila sa lahat ng gusto kong gawin. They let me to stand on my own feet, and kung may makita man sila they make sure na they guide me.

Kaya in return pinagbubutihan ko palagi. Gusto kong maging proud sila sa akin and ayaw ko na madisappoint sila, especially my Dad. I swear I'm so bless to have a father like him. Hindi niya ako pinipressure about succeding our multi-billion business and companies. He gave me more time to enjoy my youth kaya naman pag may trainings ako sa company I'll make sure na ginagawa ko ang best ko.

About my Mom naman sobrang supportive niya. She always make sure na present siya sa lahat ng competitions, awarding and achievements ko sa photography.

Maraming nagsasabi na napaka swerte ko dahil mayaman ako at nasusunod lahat ng luho ko but they're all wrong dahil sa kabila ng magandang buhay na meron ako ay mas naging maswerte ako dahil sa mga magulang ko.

Anak, be careful sa pag drive okay? Text me kapag nasa park ka na. Enjoy your day. Nakangiting sabi ni Mom sa akin habang nakaback hug sa kanya si Dad.

Yes Mom I will. Nakangiti kong sabi at papasok na sana ako sa kotse ko ng tumigil ako at hinarap ulit sina Mom at Dad.

Dad. Tumingin naman sakin si Dad. I want a baby sister okay? Natatawang biro ko kay Dad na siyang ikinapula ni Mom.

Noted son! Narinig kong sigaw ni Dad kaya hinampas siya ni Mom.

Ikaw talaga Xave!! Kung ano-ano ang tinuturo mo sa anak natin!! Inis na sabi ni Mom bago pumasok sa loob.

Hon, ano na naman ginawa ko? Narinig kong sabi ni Dad at hinabol si Mom sa loob.

Napailing nalang ako at pinagpatuloy na ang pagpasok sa sasakyan.

Bigla akong napangiti. I have a cool parents.
————————————————
Pagdating ko sa park ay agad akong namangha sa ganda nito. Hindi ako nagkamali sa pagpili dito para sa shoot na gagawin ko.

Agad akong nag ikot-ikot at naghanap ng posibleng maging subject.
————————————————
Buong maghapon akong kumuha ng mga pictures. Satisfied naman ako sa lahat ng mga shot na kinunan ko kaya nag decide na akong umuwi para tingnan ito lahat at i process.

Palabas na ako ng may biglang bumunggo sa akin. Nalaglag ang bag na dala nito kaya nagkalat ang mga gamit nito.

Tinulungan ko naman siyang pulutin ang mga gamit niya. Tumayo na ito at binitbit ang bag niya nang makuha na niya ang lahat ng gamit niya na nagkalat kaya agad kong inabot sa kanya yung librong hawak ko na pag-aari niya.

Good book ah!

Sorry Miss. Hindi ako nakaiwas. Tiningnan niya ako and bigla akong natigilan naamazed ako sa mga mata niya nang tumingin ito sa akin.

Ang ganda ng mga mata niya. Hindi pa ako nakakakita ng mga mata na kasing ganda ng mga mata niya.

Psh! Inirapan naman niya ako at tumalikod na siya at nagsimula maglakad.

Ang taray naman nito! Nagkibit-balikat nalang ako at nagpatuloy maglakad paalis ng park.
————————————————
Pagdating ko ng bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto ko para i check ang outcome ng mga picture na nacapture ko kanina.

Okay, lahat maganda. Konting process lang. Bigla naman akong natigilan at agad zinoom ang isang picture na kuha ko kanina.

Teka! Ito yung... Yung babae kanina. Mahinang sabi ko habang nakatitig sa mukha niya. Maganda ang angle niya dito sa picture na ito. Photogenic din siya kahit stolen ito. Hmm... agad naman akong nakaisip ng magandang idea.

Sino kaya siya? I want to know her name.
————————————————
A/N: End of Chapter 1.

Any guess kung sino si Jax Wesly Montereal?

By the way, my dear readers, Jax Wesly Montereal is pronounced as (Jaks) (Wes•Li) (Mon•te•reyal)

See you next Chapter 😉

SceneryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon