Picture #26

66 6 1
                                    

[Aisha]
(One week later)
Tapos na akong kumain ng breakfast at makaligo kaya nakaupo nalang ako dito sa kama ko habang kausap si Mommy.

Mamaya kasi ay kukuhaan na ako ng ilang mga test to know my current condition para sa preparations sa operation ko.

Wala po ba kayong appointments today, Mommy? Tanong ko bigla kay Mommy.

Meron Sweetie but gusto kitang samahan sa mga test mo. You're more important than those appointments. Nakangiting sabi ni Mommy.

Naramdaman namin na bumukas ang pinto ng kwarto ko kaya parehas kaming napatingin ni Mommy sa may direction papuntang pinto.

Hinihintay namin na lumabas kung sino iyon.

Agad naman akong napangiti ng may malaking bouquet ng bulaklak ang bumungad sa amin. Special delivery. Mahina naman akong natawa matapos marinig ang sinabi niya.

Tinatago niya kasi ang mukha niya sa bouquet na dala niya. Nang medyo makalapit na siya sa amin ay tinanggal na niya ang bouquet sa mukha niya at ngumiti sa akin at kay Mommy.

Good morning po Tita Alicia. Bati ni Jax kay Mommy at bumeso ito.

Good morning din Iho. Nakangiting sabi ni Mommy.

Tumayo si Mommy at lumipat sa couch para mabigyan ng space si Jax.

Ngumiti ako kay Jax ng iabot nito sa akin ang bouquet na dala. How's your sleep? Nakapagpahinga ka ba ng ayos? Tanong nito sa akin.

Okay naman. Ikaw kamusta tulog mo? Papasok ka palang ba sa company or diretso ka na sa meeting mo? Tanong ko dito.

Okay lang din. Papasok palang ako, dumaan lang ako dito to check you. Napangiti naman ako. One week na mula noong sinagot ko si Jax.

Mas lalo itong naging sweet at caring sa akin. Sinisigurado niya na may oras siya sa akin kahit na busy siya sa trabaho.

Kumain ka na ba iho? Do you want some coffee? Tanong ni Mommy kay Jax.

Kumain na po ako Tita. Thank you po. Nakangiting sabi ni Jax. Tumango naman si Mommy at tumingin sa phone niya.

Maiwan ko muna kayo. I need to call someone. Sweetie, dadaan na din ako sa Doctor mo para icheck yung kukunin mong test today. Paalam ni Mommy, tumango naman ako bilang sagot kaya umalis na ito.

Test? Nagtatakang tanong ni Jax. Tumango naman ako dito.

May schedule test ako ngayon to check my condition, kung ready na ba ako for the operation. Paliwanag ko dito.

Mga what time? May mga meetings ako today I'll check kung pwede ako sumaglit dito para masamahan kita. Sabi nito na siyang inilingan ko nalang.

No need na Jax, nandito naman si Mommy tsaka baka matagalan yung mga test. Tapusin mo nalang muna mga appointments mo today. Hinawakan ko ang kamay niya at nginitian siya.

Tiningnan lang niya ako na parang ayaw pa niyang pumayag at mukhang nag-aalala siya kaya ngumiti ako sa kanya at hinalikan siya pisngi. Don't worry, ayos lang ako. Masiglang sabi ko sa kanya para hindi na siya mag-alala pa.

Naiintindihan ko si Jax, nag-aalala lang siya sa akin and gusto niya lang na masigurong okay ako kaya siya nagpupumilit na samahan ako.

Napabuntong-hininga siya at tumango. Call me thru video call, doon lang ako mapapanatag. Please Ai. Ngumiti naman ako at tumango.

Ayaw niya talagang paawat kaya naman pumayag na ako sa gusto niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon. I still can't believe na one week na ang lumipas mula nung naging girlfriend na kita. Masayang sabi niya.

SceneryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon