[Aisha]
Kanina ko pa napapansin na panay ang ngiti nitong si Jax.Mukhang nagkaroon pa ako ng kaibigan na may sayad ah!
Tapos siya pa ang nag presinta na bitbitin ang mga materials ko.
Nandito na tayo. Nakangiting sabi ni Jax sa akin kaya naman agad akong napalingon sa paligid.
Bigla akong natigilan nang makita ang kabuuan ng lugar.
Wow! Sobrang ganda! Hindi ako makapaniwala na may ganitong lugar sa park.
Wow! Mahina kong sabi.
Buti naman nagustuhan mo. Masayang sabi niya.
Hindi ko alam na may man-made lake pala dito sa park. Sabi ko kay Jax.
Minsan kasi kailangan mo din lumabas sa comfort zone mo para mag explore, para makita mo yung beauty and reality outside of it. Sometimes you need to take the risk, hindi mo malalaman ang mga bagay-bagay kung mananatili ka lang sa comfort zone mo. Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
Ngumiti naman siya sa akin. Well, It's just a piece of advise, depende parin sayo iyon. Nanatili akong nakatingin sa kanya. Sige, doon muna ako. Sabi niya sabay angat ng camera niya.
Tumango naman ako sa kanya. Nag-umpisa naman akong mag set up ng mga materials ko, pero hindi mawala sa isipan ko ang sinabi niya.
————————————————
(Weeks passed)
Ilang linggo na din ang lumipas mula noong maging kaibigan ko si Jax.Unti-unti ko na din siyang nakilala. Masaya pala siyang kasama kahit na minsan naiinis ako sa mga pang-aasar niya. Palagi niya din akong sinasamahan sa magagandang lugar para sa painting reference ko. Minsan sinasamahan niya ako sa ibang lugar, sa labas ng park.
Pinakiusapan ko din ang bodyguard ko na wag sabihin kila mommy ang ginagawa ko.
(Flashback)
Kuya, diba kailangan mong magreport kay Mommy at Daddy about sa pagbabantay mo sa akin? Tanong ko sa bodyguard ko.Yes po ma'am bakit po ninyo natanong? Tanong nito habang focus sa pagdadrive.
Ahmm... Kuya pwede bang wag mo na sabihin kay Mommy yung tungkol sa kaibigan ko at yung pag alis ko ng park? Pakiusap ko sa kanya.
Hindi po pwede Ma'am. Mahigpit pong utos ni Madam na ireport ko lahat sa kanya ang ginagawa ninyo.
Gusto ko po kasi na ako ang magsabi kay Mommy ng tungkol sa kaibigan ko. Wag na po kayong mag-alala ako pong bahala kay Mommy. Pwede po ba?
Sige po Ma'am kung iyon po ang gusto ninyo.
(End of Flashback)
Ilang linggo ko na din nililihim kina Mommy at Daddy ang tungkol sa ginagawa ko. Wala parin kasi akong lakas ng loob na sabihin sa kanila. Natatakot ako na baka hindi na nila ako payagan pang pumunta sa park at baka palayuin na din nila ako kay Jax. Ngayon nalang ulit ako nagkaroon ng kaibigan.
Okay Isha, i check ko nalang mamayang gabi itong test mo tapos ieemail ko sayo yung result. May inabot naman sakin si Teacher Hannnah na ilang modules. Basahin mo iyan, then next week may test akong ibibigay sayo regarding sa module na iyan.
Tumango naman ako sa kanya. Sige po.
Okay, sige na tapos na yung class natin. Pwede ka na bumalik sa kwarto mo. See you next week. Nakangiting paalam nito.
Ngumiti naman ako sa kanya. Nagpasalamat ako at nagpaalam na.
Nang makarating ako sa kwarto ko ay agad kong inayos ang mga gamit ko. Bigla naman akong nakatanggap ng text galing kay Jax.