Jax,
Ngayong binabasa mo na itong letter ko para sa iyo, ibig sabihin ay dumating na ang araw ng operation ko. Hindi ko alam kung ano ang resulta ng operation ko kaya naman mas pinili kong gumawa ng letter para dito sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin sayo. Una sa lahat, Gusto kong humingi ng sorry sayo dahil hindi ko nagawang sabihin sayo ang tungkol dito. Pangalawa, gusto kong sabihin sayo na "Congratulations" alam ko at siguradong-sigurado akong maisasarado mo ang deal sa kauna-unahan mong business trip. Kaya binabati na kita! Ikaw pa! Ang galing-galing mo kaya!Jax, gusto kong magpasalamat sayo dahil dumating ka sa buhay ko. Akala ko hindi ako magiging ganito kasaya pero simula nung dumating ka you changed everything. Salamat din dahil pinaramdam mo sa akin kung paano ang mahalin at magmahal. Hindi ako nagsisisi na binigyan ko ang sarili ko ng pagkakataon na mahalin mo. Salamat dahil hindi mo ako nagawang sukuan kahit ilang beses kitang pinagtabuyan noon. Ilang masasakit na salita ang binitiwan ko sayo noon pero pinili mo pa din manatili sa tabi ko, kaya sorry kung nasaktan man kita.
Jax, maari ka bang mangako sa akin? Na sana...kapag may mga opportunities na dumating sayo ay tanggapin mo ang mga iyon without hesitations. At kung dumating man ikaw sa punto na kailangan mong pumili between me and your dreams, maari mo bang piliin ang pangarap mo?
I want you to reach for your dreams, I want to support you even if I'm not around. Malulungkot ako kung tatanggihan mo ang mga iyon and hahayaan mong masayang nang dahil sa akin. Jax, walang kasiguraduhan ang kalagayan ko. Magiging masaya ako kung itutuloy mo ang buhay mo without me.
Tandaan mo na kahit nasaan ka man palagi akong nakasuporta sayo at lagi mo ding tatandaan na sobrang proud na proud ako sayo.
Kaya tuparin mo ang mga pangarap mo at pangako hihintayin ko ang pagbabalik mo. Pinapangako ko din sayo na hihintayin kita kahit gaano pa katagal at sisiguraduhin ko na sa pagbalik mo magaling na ako. Sabay naman natin tutuparin ang pangarap natin para sa ating dalawa.
Mahal na mahal kita Jax.
~Love, Ai