[Jax]
(Few weeks passed)
Masyado akong napaaga dito sa park. Excited lang ako gumala ngayon. Ilang linggo din kaming hindi nakagala ni Ai dahil naging busy ako sa project ko na binigay ni Dad and sa school activities din.Di bale ng maaga, hihintayin ko nalang si Ai sa favorite niyang tambayan. Mahina at nakangiti kong sabi.
Papasok na sana ako sa loob ng park ng mapansin ang isang pamilyar na figure.
Agad naman akong napangiti at balak ko na sana siyang lapitan ng biglang may lumabas sa sasakyan.
Natigilan ako ng makita kung sino ito.
Asher John Pendroza.
Bakit niya kasama si Ai???
Anong meron sa kanila??
Bakit nakangiti sa kanya si Ai??
At bakit ako nakakaramdam ngayon ng kirot sa puso ko???
Nakangiti si Ai habang kausap si Asher.
Bakit ganun nalang makangiti sa kanya si Ai?? Bakit ibang-iba sa kung paano siya nakangiti sa akin??
Bigla ko nalang natikom ang kamao ko ng mahigpit dahil sa sunod na nakita ko.
Niyakap siya ni Ai at hinalikan naman siya sa noo ni Asher.
Tumalikod na ako at nagsimulang pumasok sa loob ng park.
Bakit parang gusto kong manapak?
————————————————
[Aisha]
Hinatid ako ni Kuya sa park, dahil bukas ng madaling araw ay flight niya. May business meeting siya sa isa sa company namin sa ibang bansa.Hay! Kakadating niya lang galing sa site visit niya dun sa project na inassign ni Dad.
Hindi pa ulit kami nakakapag bonding.
Lumabas naman ito ng sasakyan kaya ngumiti ako sa kanya.
Ang peke ng ngiti mo. Bigla naman ako ngumiti ulit sa kanya.
Ito okay na ba? Bigla naman siya natawa.
Para kang natatae. Dont worry, princess ilang araw lang naman yun eh. Bonding tayo pag uwi ko. Nakangiti niyang sabi.
Promise iyan kuya ah! Mamimiss kita. Niyakap ko naman ito at narinig ko ang mahinang pagtawa nito.
Ginulo naman niya ang buhok ko at hinalikan ako sa noo. Mamimiss din kita. Basta promise me habang wala ako wag kang pasaway. Wag mong kakalimutan ang bilin ko pag umaalis kayo ng kaibigan mo. Pag nalaman kong may nangyari sayo, uuwi at uuwi ako para batukan ka. Maliwanag? Ngumiti naman ako at tumango.
Sige na pumasok ka na sa loob. Susunduin kita mamaya okay?? Sumaludo naman ako sa kanya.
Aye, aye, kuya! Napailing nalang ito kaya naman nagpaalam na ako para pumasok sa loob ng park.
————————————————
Pagdating ko sa usual spot kung saan lagi akong tumatambay at umuupo ay nagulat ako ng makita siya doon.Nakangiti ko siyang nilapitan. Aga mo ngayon ah! Masayang sabi ko matapos kong makalapit sa kanya.
Natigilan ako ng malamig niya akong tingnan pero agad ding nawala at ngumiti siya sa akin. Saglit lang iyon pero sigurado ako na nakita ko yung malamig niyang tingin sa akin.
Maaga akong natapos sa school eh. Nakatingin lang ako sa kanya.
May mali talaga sa kanya?