[Aisha]
Naalimpungatan ako mula sa aking pagpapahinga. Nang mapansin ko si Jax na nakadukno sa gilid ng higaan ko, mukhang nakatulog ito. Kagagaling lang niya siguro sa trabaho dahil naka business attire pa ito.Inayos ko naman ang pwesto ko at humarap sa kanya para mas matitigan siya.
Ang gwapo talaga niya kahit natutulog. Maingat kong hinawakan ang kanyang kilay para hindi siya magising.
Ilang linggo na din siyang nagbabantay sa akin. Kahit busy sa trabaho gumagawa siya ng paraan para mapuntahan ako. Inaagawan na din niya ng trabaho ang personal nurse ko sa pag-aalaga sa akin.
Aaminin ko na masaya ako pagkasama ko siya at pag nasa tabi ko siya.
Hinahanap-hanap ko ang presensiya niya pag wala ito.
Namimiss ko ito.
Nakikita ko naman lahat ng ginagawa niya para sa akin.
Sumagi na naman sa isip ko ang sinabi sakin ni Kuya tungkol kay Jax.
(Flashback)
Kakaalis lang ni Jax, maghapon din itong nagstay para samahan ako.Masaya kong kinakain ang pizzang dala ni Kuya ng magsalita ito.
Ish, nag-usap na ba kayo ni Jax? Tanong nito kaya kumunot ang noo ko.
Tungkol saan kuya? Naguguluhang tanong ko.
Ish, alam kong napapansin mo yung mga effort ni Jax para sayo, wag mong sabihin na hanggang ngayon ay wala ka paring balak bigyan siya ng chance? Tanong sa akin ni Kuya, hindi ako nakasagot agad. Alam mo din sa sarili mo na mahal mo ito, ano pa ba ang pumipigil sayong mahalin siya? Alam na niya ang tungkol sa sakit mo, wala ka nang dahilan para pigilan ang sarili mong maging masaya. Dagdag ni Kuya na nagpatigil sa akin.
(End of flashback)
Tama si Kuya, wala nang dahilan pa para pigilan ko ang sarili ko.
Mahal ko si Jax.
Ilang beses na niyang napatunayan sakin yung pagmamahal niya. Panahon na siguro para piliin ko naman yung kaligayahan ko.
Nakangiti ako habang pinagmamasdan siya. Nagulat naman ako ng bigla niyang minulat ang mga mata niya.
Nanlaki ang mata ko at tatayo na sana para lumayo sa kanya kaya lang hinawakan niya ang kamay ko. Stay still. Sabi nito kaya nagkatitigan kami.
Ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon. Natatakot ako na baka marinig niya ito.
I love you Ai. Malambing na sabi nito at nilapit ang mukha sa akin para halikan ako sa noo.
Naramdaman ko naman ang pag-init ng mukha ko dahil sa ginawa niya.
Umayos na ito ng tayo at ngumiti sa akin.
Nagugutom ka na ba? May dala ako pasta galing sa isang restaurant. Sabi nito. Wala sa sariling tumango ako kaya tumayo na ito para ihain yung dala niyang pasta.
Tahimik kaming kumakain, hindi ko kasi alam kung paano ko siya kakausapin. Hindi kasi mawala sa isip ko yung ginawa niya.
Bigla naman itong tumawa kaya kunot-noo ko siyang tiningnan. Bakit ka tumatawa? Tanong ko. Umiling naman ito sa akin.