Picture #24

70 6 38
                                    

[Aisha]
Panay ang tingin ko sa oras sa cellphone ko at sa pintuan ng aking kwarto habang abala naman si Kuya mag type ng kung ano sa laptop niya.

Ish, bakit ba panay ang tingin mo sa cellphone mo? May hinihintay ka bang tawag? Tanong sa akin ni Kuya kaya nabaling na sa kanya ang atensyon ko.

Ako?? May hinihintay na tawag?? Wala ah!! Chinecheck ko lang yung time kasi...










...kasi ano— uhmm... agad ko naman napansin ang remote ng tv. Ano... hinihintay ko yung palabas na pinapanood ko. Malakas na sabi ko at iniwas ang tingin sa kanya. Binuhay ko naman yung tv at nagkunwaring nanonood.

Bakit wala pa siya??

Hindi na ba siya pupunta dito kasi nandito na si Kuya??

Sus, kunwari ka pa hinihintay mo lang si Jax eh! Tinaasan ko naman siya ng kilay.

At bakit ko naman hinihintay iyon?? Mabuti nga wala siya dito eh! Walang magulo. Inis na sabi ko kay Kuya at binaling nang muli ang tingin sa tv.

Ilang araw nang hindi dumadalaw si Jax, busy ba siya?

Hindi kaya! Tuluyan na siyang umalis??

Wala siyang karapatang umalis dahil ako naman ang naiinis sa pagsusungit ko sa kanya!

Gusto mong tawagan ko siya? Nang marinig iyon mula kay Kuya ay nakangiti ko siyang nilingon.

Nang marealized ko ang ginawa ko ay agad naglaho ang ngiti ko. Ayaw ko nga Kuya! Hayaan mo nga siya! May himig ng pagkainis na sabi ko. Tinalikuran ko naman si kuya at nahiga.

Okay. Nagsasuggest lang naman. Matutulog ka ba? Kasi kung oo, matutulog din ako. Medyo puyat pa ako dahil sa mga paperworks ko kagabi. Tanong nito sa akin.

Bumangon naman ako at tiningnan siya. Sige Kuya magpahinga ka muna. Naglakad na ito papunta sa kabilang kama pero bago ito tuluyang pumasok ay tumigil ito.

Tawagan mo na kasi kaysa hintay ka ng hintay na tumawag siya. Sabi nito kaya tinaasan ko lang siya ng kilay.

Hindi ko nga sabi hinihintay ang tawag niya. Ang kulit mo kuya! Inis na sabi ko kay Kuya.

Paulit-ulit siya sinabing hindi ko nga hinihintay ang taw—

Agad kong kinuha ang cellphone ko nang bigla itong tumunog.

Hindi mo nga hinihintay. Natatawang sabi ni Kuya pero hindi ko na siya pinansin at agad tiningnan kung sino yung nagtext sa akin.

Napanguso naman ako nang makitang text galing kay Mommy ang aking nareceived.

Hindi siya iyan no? Nang-aasar na tanong ni Kuya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ayaw mo pa kasing tawagan eh. Dagdag pa nito.

Akala ko ba matutulog ka na Kuya? Mataray na tanong ko dito. Nang-aasar naman itong ngumiti sa akin bago pumasok na sa loob.

Napatingin naman ako sa phone na hawak ko. Kagat-labi ako habang nakatitig sa number niya.

Tatawagan ko ba siya??

Ano naman sasabihin ko??

Uy... tatawag na iyan! Nagulat naman ako nang malakas na magsalita si Kuya.

Kuya naman eh!!!! Bakit ka ba nanggugulat?!!! Asar na tanong ko dito.

Tatawagan mo na no? Inirapan ko naman siya.

Hindi no! Pagtangging sagot ko dito.

Eh bakit hawak-hawak mo ang phone mo? Tapos parang naghehesitate ka pa habang nakatingin ka diyan! Nang-aasar na tanong nito sa akin.

SceneryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon