[Aisha]
Nakangiti akong nagpapaint dito sa art room ko ng pumasok si Kuya.Mukhang good mood tayo ah! Kamusta naman yung lakad ninyo kahapon nung si Jax? Pag-uusisa nito sa akin sabay upo sa sofa.
Nakangiti ko namang nilingon si kuya.
Natatakluban kasi ng painting na ginagawa ko si Kuya kay hindi ko ito nakikita.
Ahmm... okay naman kuya. Alanganin kong sagot dito.
Oh! Saan ba kayo pumunta? Diba sabi mo importante yung lakad ninyo? Ayan na nga! Pinaulanan na ako ni kuya ng tanong.
Awkward naman akong tumawa sa kanya. Actually sa concert kami pumunta. Nakita ko naman na pinaningkitan ako nito ng mata. Promise kuya! Hindi ko talaga alam na sa concert kami pupunta. Nagulat nalang ako. Pagkumbinsi ko dito.
Psh! Siguraduhin mo lang na babawi ka talaga sakin Aisha Pendroza! Alanganin naman akong ngumiti sa kanya.
Kelan ka ba free kuya? Tanong ko dito para maiba ko na yung topic.
Ipapacheck ko nalang sa secretary ko tapos sasabihin ko sayo. Pinaningkitan ulit ako nito ng mata. Siguraduhin mo lang na wag mo ikacancel ang bonding day natin. Banta nito sa akin.
Aye, aye Kuya! Sagot ko dito sabay saludo.
Sige na, mukhang busy ka. Aalis na ako. Dumaan lang talaga ako para kamustahin yung lakad ninyo kahapon. Tumayo na ito, doon ko lang napansin na naka suit ito. Mukhang papunta na siya sa company.
Pagkaalis ni Kuya ay agad kong naalala na may gagawin nga pala ako kaya binaba ko muna ang paintbrush na hawak ko.
Kinuha ko yung libro kung saan nakalagay yung papel.
✔️ Sumali sa isang painting contest.
➖ ****
✔️ Matutong mag bike.
✔️Share my talent to other people.
✔️Makapunta sa concert ng favorite singer.Napangiti naman ako matapos kong lagyan ng check yung nasa papel.
Isa nalang matatapos ko na din ito.
Muli akong napangiti at itatabi na sana ang papel nang mapatingin ako sa painting ko.
Teka??!!
Lahat ng ito nagawa ko kasama si Jax???
Hindi kaya??
Imposible...nasa akin ang papel...
Baka nagkataon lang...
————————————————
[Jax]
Pinapanood ko lang si Mommy habang nagluluto ito, paminsan-minsan ay tumutulong ako.Mukhang masayang-masaya ang anak ko ah! Pagpansin sakin ni Mommy.
Wala lang po ito Mommy. Maganda lang po gising ko. Nakangiting sabi ko.
Hmm... dahil ba iyan sa lakad ninyo kahapon? Kamusta nga pala ang date ninyo kahapon? Tanong ni Mommy sabay tingin ng makahulugan.
Hindi po iyon date Mommy, pero okay naman po, nag enjoy po kami sa concert. Masayang sabi ko kay Mommy.
Wushuu... I'm so happy for you anak. Masaya akong nakikita kang masaya. Iyon lang yung lagi kong hiling. Malambing na sabi ni Mommy.
Napangiti naman ako. Thank you po Mommy. Thank you din po for trusting me on my decisions.
Anything for you anak, basta lagi mong tatandaan na nandito lang kami ng Daddy mo for you. Lumapit naman ako kay Mommy at niyakap siya.
Love you po Mommy. Malambing na sabi ko sabay pabirong kumuha nung niluluto niya.