[Aisha]
(Week passed)
Ilang linggo na akong nag stay dito sa hospital. Bored na bored na ako. Buti nalang napakiusapan ko ang secretary ni Dad para kunin ang mga painting materials ko.Pagpepainting na nga lang ang tumutulong sakin para hindi mabored.
Napangiti naman ako nang matapos ko ang aking ginagawang painting.
Tumayo naman ako sa kama ko at agad hinila ang dextrose na nakakabit sa akin.
Nilagyan ko ng cover ang painting na kakatapos ko lang gawin bago tinabi sa box kung saan nakalagay ang mga painting na kasama nito.
Nang magawa ko iyon ay bumalik na ako sa kama ko.
Mamaya dadating na si Mae para kunin yung mga paintings ko para dalhin sa location na napili ko para sa dream project ko.
Magpapahinga muna ako sandali dahil napagod na naman ako kahit nagpainting lang ako.
————————————————
[Jax]
Ilang linggo na din akong naging abala sa mga meetings sa company, projects at paperwoks sa school.Sa linggong nagdaan masasabi kong madami akong natutunan sa pagpapatakbo ng company.
Pauwi na ako ngayon at balak kong mag take out ng pasalubong para kina Mom and Dad at nang makarating kami sa parking lot ng restaurant ay napansin ko naman ang isang pamilyar na tao.
Mukhang nagmamadali ito, agad naman akong napaisip.
Kuya sandali lang po. Pagpigil ko sa driver ko nang magpapark na sana ito.
Nang makaalis ang sasakyan ni Asher ay agad ko itong pinasundan sa driver ko.
Pakisundan kuya nung sasakyan na iyon. Agad naman nitong sinunod ang sinabi ko at sinundan ang sasakyan ni Asher.
Tumigil ang sasakyan nito sa isang restaurant. Hinintay ko lang ang paglabas nito.
Nang lumabas na ito ay mukhang may kausap siya sa cellphone niya nakangiti ito habang bitbit ang pagkaing take-out.
Muli itong sumakay sa sasakyan niya kaya pinasundan ko ulit ito.
————————————————
Nagtataka naman ako dahil pumasok sa loob ng parking lot ng isang hospital yung sasakyan ni Asher.Anong gagawin niya dito? Mahinang tanong ko.
Nang makapagpark kami ay agad kong pinasundan si Asher sa driver ko.
Naghihintay lang ako sa kotse at hinihintay ang tawag ng driver ko.
Nang tumawag ito ay agad akong bumaba para sundan siya.
Sumakay ako ng elevator at pinindot ang 28 na button.
Pagdating ko ng floor na iyon ay agad akong sinalubong ng driver ko.
Sir, pumasok po siya sa isang room dito. Room 28001. Tumango naman ako dito at nagpasalamat. Nagpaalam na ito na babalik na ng sasakyan at hihintayin nalamang ako doon.
Agad kong pinuntahan ang room na sinasabi ni Kuya. Mabuti nalang ay may malapit na waiting area doon kaya sa pinaka gilid ako naupo at naghintay.
Isang oras din akong nakaupo doon at nakabantay.
Sino kaya ang pinuntahan niya doon?