Picture #28

59 8 7
                                    

[Jax]
Matapos kong ayusin ang sarili ay agad kong kinuha ang phone ko para tawagan si Asher.

Jax? Bungad nito sa akin matapos sagutin ang tawag ko.

Tumawag lang ako para kamustahin si Ai. Mahinang paliwanag ko dito.

She's still sleeping, Jax. Sagot ni Asher.

Ganun ba. I'm just checking. Bibisita nalang ako bukas. Thank you. Matapos sabihin iyon ay binaba ko na ang tawag.

Huminga ako ng malalim bago ako tumayo para magtungo sa living room.

Jax, anak? Gulat na tawag sakin ni Mommy matapos niya akong mapansin bumababa sa grand staircase namin.

Tipid naman akong ngumiti dito at agad na lumapit sa kanila ni Daddy. My Dad is sitting on the sofa while drinking a glass of red wine habang katabi si Mommy.

Mukhang may pinag-uusapan sila ni Mommy ng abutan ko sila dito sa living room.

Nang makalapit ako sa kanila ay tumigil ako sa harapan ni Dad. Dad, I'm going to accept Tito Travis offer. Tahimik lang na nakatingin sa akin si Mommy matapos kong sabihin ang desisyon ko.

Are you sure about that? Seryosong tanong ni Daddy. Alam kong mahirap para sayo ito, kaya hindi kita pinipilit na pumayag dahil I know you want to stay here. Kung napipilitan ka lang, it's okay Son. Don't force—

I want to try it. Pagputol ko sa dapat pang sasabihin ni Dad. I want to pursue my dreams. Pagpapatuloy ko. She wants me to do this. Mahinang sabi ko.

Ilang sandaling natigilan si Dad bago tumango-tango. Nasabi mo na ba sa Tito Travis mo? Tanong ni Dad sa akin.

Tatawagan ko palang po siya para sabihin ang desisyon ko. Sagot ko kay Daddy. Agad naman lumapit sakin si Mommy para yakapin ako.

Magiging okay din ang lahat sa tamang panahon, anak. Don't worry. Mahinang sabi sakin ni Mommy habang tinatapik-tapik ang likod ko.

Sana nga po Mommy.
————————————————
(Days passed)
Nakasettled na ang lahat para sa pag-alis ko, ako nalang ata ang hindi.

Sa mga araw na nagdaan wala akong ginawa kundi ang bisitahin siya sa hospital. I want to spend my remaining days here with her dahil hindi ko alam kung kelan ko ulit siya makikita.

Araw-araw laging sumasagi sa isip ko na bawiin ang desisyon ko at manatili nalang ulit sa tabi niya pero alam ko sa sarili ko na hindi niya gustong gawin ko ang bagay na iyon.

Hanggang sa dumating na ang araw ng pag-alis ko.

Napabuntong-hininga ako matapos kong maisara ang luggage ko. Kakatapos ko lang mag-impake.

Narinig ko naman ang pagkatok sa kwarto ko at nang bumukas iyon ay bumungad sa akin si Mommy.

Tapos ka na bang mag impake, anak? Tanong ni Mommy sa akin kaya ngumiti ako dito.

Kakatapos lang po Mommy. Tumango naman ito sa akin.

Dadaan ka ba sa hospital? Maingat na tanong ni Mommy sa akin.

SceneryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon