[Jax]
(1 month passed)
Isang buwan na ang nakalipas mula nang huli kong makita si Ai, ni-text or tawag wala akong natatanggap mula sa kanya.Isang buwan na din ako nagpapabalik-balik sa park nagbabakasakali na isang araw makita ko siya.
Nakatulong yung pinagagawa sakin ni Dad na project para ma divert yung isip ko kahit papaano.
Wala sa mood na nag scroll lang ako ng pictures na dati ko pang kinunan minsan patingin-tingin ako sa phone ko.
Pag scroll ko ng next picture ay stolen shot niya ang lumabas.
Napabuntong-hininga ako at bigla ko nalang ginulo ang buhok ko sa sobrang frustration.
Ayaw na ba niya makipag friends sa akin? Bakit hindi siya sumasagot sa mga text at tawag ko? May nagawa ba ako?
Alam kong gwapo ka nak sa kahit anong hairstyle mo pero mas bet ko ang neat hair mo kaysa messy hair mo ngayon. Agad naman akong napatingin kay Mommy ng makita ko ito sa may pintuan ng veranda at nakangiti sa akin.
Kanina pa po ba kayo diyan Mommy? Gulat kong tanong kay Mommy.
Sakto lang para makita kung gaano ka ka frustated. Ano ba iyang ginagawa mo? Tanong nito sa akin sabay tabi sa akin.
Nagmadali naman akong i close yung picture na tinitingnan ko pero bago ko nagawa iyon ay alam kong napansin ni Mommy ito.
Mukhang alam ko na kung bakit? Nakangiti ito sakin na parang nang-aasar. Muli naman akong napabuntong-hininga kaya agad napatingin sa akin si Mommy. May problema ba nak? Nag-aalalang tanong nito.
Wala naman po, nagtataka lang po ako. One month ko na po kasing hindi siya nakikita. Nagtetext po ako at tumatawag kaya lang po hindi niya sinasagot. Napapaisip po ako kung may nagawa ba ako sa kanya. Paliwanag ko kay Mommy. Dapat po magkikita kami noon sa park para samahan ko siya sa lugar na pwede niyang gamitin as reference sa pag painting niya kaya lang ay hindi siya tumuloy dahil may biglaang lakad siya. Dagdag ko pa sa naunang kwento ko.
Oh! Yun naman pala eh. Baka busy lang siya. Bigyan mo muna siya ng time. Sigurado na tatawagan or itetext ka niya pag hindi na siya busy, and besides magkaibigan kayo diba? Kaya sa halip na mag-isip ka diyan ng kung ano-ano bakit hindi ka muna maglibang sa ibang bagay. Nakangiting sabi ni Mommy sa akin.
Yun na nga po ang ginagawa ko Mommy, nagpapakabusy po ako ngayon sa project na binigay ni Dad sa akin kaya kahit papaano na dadivert yung attention ko.
That's good nak. Nakangiting sabi ni Mommy. Oh siya tama na ang mukmok mo diyan! Pauwi na Daddy mo, kaya naman mag-ayos ka na. Hinawakan naman ni Mommy ang baba ko at pinisil ito kaya napanguso ako bago guluhin ang buhok ko.
Napangiti naman ako, gumagaan talaga ang pakiramdam ko kapag kausap ko si Mommy.
————————————————
[Third person]
Nasa hapagkainan ang pamilya Pendroza, tahimik silang kumakain, nang biglang tumayo si Aisha.Tapos na po akong kumain. Pag papaalam nito.
Sweetie, hindi mo ba gusto ang pagkain? Parang hindi mo naman ginalaw ang pagkain mo. Nag aalalang tanong ni Alicia sa anak.
Busog pa po ako. Walang emosyong sagot ni Aisha sa ina.
Sweetie, gusto mo bang pumunta bukas sa isang exhibit, may nirecommend yung amiga ko? Tanong ni Alicia sa anak.
Sa bahay nalang po ako. Bigla naman nalungkot si Alicia. Isang buwan na din ang lumipas mula nung sinugod nila sa hospital ang anak.