[Aisha]
Nakatingin lang ako ngayon sa entrance ng lugar kung saan kami pumunta ni Jax.Bakit nandito ulit tayo? Naguguluhang tanong ko.
Don't worry Ai, hindi tayo sasakay sa mga rides. Nandito tayo for your painting reference at para dito. Sabi niya sabay ngiti at taas ng camera niya. Halika na! Hinawakan naman niya ang kamay ko at hinila na papasok sa loob.
Tumigil kami sa isang bench sa tapat ng carousel.
Wow! Ang ganda nga ng spot na ito kung ipipaint.
Napatingin naman ako kay Jax, nakangiti ito habang nakatingin sa carousel at nang tumingin ito sa akin ay mas lalo itong napangiti.
Muli ko na naman naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Napahigpit ang hawak ko sa bag ko para kalmahin ang sarili ko.
Ang ganda diba? Nakangiti niyang tanong sa akin kaya agad iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
Bakit parang ang gwapo ngayon ni Jax?
Sige start ka na mag paint doon lang ako. Sabi nito sabay angat ng camera niya kaya tumango nalang ako bilang sagot.
Nang makalayo si Jax ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. Napahawak pa ako sa aking dibdib dahil hanggang ngayon ay malakas pa din ang tibok ng puso ko.
Hindi naman ako manhid para hindi malaman kung saan papunta itong nararamdaman ko...
Habang maaga pa kailangan ko na itong pigilan.
————————————————
[Jax]
Busy na si Ai mag painting at ganun din ako sa pagkuha ng mga pictures.Pag hindi nakatingin si Ai ay palihim ko itong kinukunan ng pictures. Matagal na din yung huli kong kuha sa kanya.
Nakangiti ko namang pinagmamasdan yung mga kuha ko sa kanya hanggang sa natigil ako sa isang picture na kuha ko kanina sa park habang may sinusulat siya.
Doon ko lang naalala yung papel na nakita ko.
Agad ko itong kinuha sa bulsa ko. Kinuha ko din ang phone ko at kinunan ito ng picture at agad na binalik sa bulsa ko.
Siguradong kay Ai ito at hahanapin niya ito mamaya kaya pasimple ko itong ibabalik sa kanya nang hindi niya nalalaman.
Paglingon ko kay Ai ay nananatili pa din itong abala sa pagpipinta.
Nakangiting iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya at hindi sinasadyang mapansin ng atensyon ko ang isang ice cream parlor.
Naisipan kong lumapit dito at bumili.
Two ice cream on a cup please. Nakangiti kong sabi sa babaeng nagtitinda.
Anong flavor sir? Malambing na tanong nito sa akin.
Ano kaya ang gusto niyang flavor??
Isang rocky road at strawberry, Miss. Agad naman ginawa nung babae yung order ko.
Nang matapos siya ay nagpapacute niyang niserve ito sa akin. One rocky road and one strawberry ice cream on a cup. Agad ko naman inabot sa kanya yung bayad. Para sa nanay ninyo sir? Usisang tanong nung babae.
Nakangiti naman akong umiling dito. Para sa girlfriend ko. Gusto ko nang matawa dahil biglang sumimangot yung babae sa naging sagot ko.
Nagsimula na akong maglakad pabalik kay Ai. Natatawa naman ako nang maalalang muli ang sinabi ko dun sa babae.