Picture #27

47 7 0
                                    

[Asher]
Mabilis ang naging pangyayari.

Ish. Ito na yun———ISH!!!!!!

Agad kong nabitawan ang hawak kong baso at agad na sinalo ang kapatid ko.

Ish!! Ish!! Tinapik- tapik ko ito pero hindi ito nagigising. Agad ko siyang binuhat at hiniga sa kama.

Nanginginig ang mga kamay ko habang tumatawag ng doctor at nurse sa intercom.

Mabilis naman ang pagdating ng mga doctor at agad nilang sinuri si Ish.

Tulala lang ako habang nakahawak sa ulo ko habang pinapanood ang mabilis na pag-aasikaso ng doctor at nurse sa kapatid ko.

Ish! Please wag naman muna ngayon oh! Mahinang sabi ko habang lumalandas ang mga luha sa mata ko. Please...

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng suot kong pantalon at agad tinawagan sila Daddy.

Hello AJ, Nasa meeting ako ngayon, bakit napatawag ka? Sagot ni Dad.

Dad... si Ish...sagot ko. Hindi ko na magawang tapusin ang sinasabi ko dahil nag-uunahang bumabagsak ang mga luha ko dahil sa nakikita ko ngayon.

WHAT HAPPEN TO YOUR SISTER??! Nag-aalalang tanong ni Dad. AJ ANSWER ME!! What happen to her?!! Nagpapanic na ding tanong ni Dad.

Please Dad, pumunta na kayo dito. Binaba na ni Dad ang tawag kasabay noon ay nakatanggap ako ng text mula sa kanya na papunta na siya dito with Mom.

Tulala lang ako habang pinapanood kung paano irevive ng doctor ang kapatid ko.

Please Ish...Wag mo muna kaming iwan. Lumuluhang sabi ko.
————————————————
Tulala lang ako habang naghihintay sa labas ng emergency room.

Naririnig ko naman ang mahinang pag-iyak ni Mommy habang nakayakap kay Dad.

Narevived ng mga doctor si Ish pero kinailangan niyang operahan agad dahil maari ulit siyang atakihin kung hindi isasagawa ng maaga ang operation niya and doon may posibility na mawala siya sa amin.

John... ang anak natin... umiiyak na sabi ni Mommy kay Daddy. Bakit ngayon pa?! Niyakap nalang ni Daddy si Mommy.

Alam kong nahihirapan din si Daddy pero kailangan niyang maging matatag para kay Mommy.

Muli akong tumingin sa pinto ng emergency room.

Ilang oras na ang lumipas mula noong ipasok sa loob si Ish hanggang ngayon ay hindi pa lumalabas ang doctor.

Sana sa paglabas ng doctor ay may magandang balita itong hatid sa amin.
————————————————
[Jax]
Ika limang araw na nung business trip namin ni Dad dito sa Europe.

Nakakapagod bukod pa doon ay miss na miss ko na si Ai.

Kahit lagi kaming nag-uusap thru video call ay iba pa din pag personal ko siyang nakikita at nakakausap.

Nasa sasakyan ako pabalik na ng hotel kung saan kami nag stay ni Dad nang maisipan kong mag online.

Hindi siya online pero may iniwan siyang offline message sa akin kasama ang isang picture nito na nagpepainting.

Napangiti naman ako ng tingnan ito at agad sinave sa phone ko.

Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi ito nagriring.

Offline talaga siya. Busy na naman siguro siya magpainting. Mahina kong sabi at lihim na napangiti.

Excited na akong umuwi. Sabi ni Dad last na daw bukas dahil napaaga ng isang araw ang business trip namin kaya balak kong maunang umuwi kay Dad dahil miss na miss ko na si Ai.

SceneryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon