[Jax]
(One month passed)
(A/N: fast forward ulit)
Agad ko siyang natanaw mula sa pwesto kung saan siya madalas naghihintay. Nakamasid lang ito sa mga batang masayang naghahabulan sa hindi kalayuan sa kanyang pwesto.Sa mga nagdaan araw at linggo na nakakasama at nakikita ko siya ay may kakaiba akong napapansin sa kanya.
Malakas ang pakiramdam ko na may tinatago siya sa akin.
Nang mapalingon ito sa direksyon ko ay agad niya akong nginitian at kinawayan matapos niya akong makita.
Ngumiti naman ako sa kanya at nagpasya ng lumapit.
Busy ka ba nung tinawagan kita? Tanong ko sa kanya nung makalapit ako.
Nakangiti naman itong umiling. Hindi naman. Nagpepaint ako nung tumawag ka. Nakangiti nitong sabi.
Natigilan ako ng may mapansin ako sa kanya.
Kahit na ngumingiti siya at kahit na pilit niya pinapasigla ang mood niya alam kong may mali.
Ano palang meron Jax? Naputol naman ang malalim kong pag-iisip nang magtanong ito.
Wala naman, gusto ko lang ng makakausap. Sobrang busy na kasi sa company, ngayon lang ako nakalabas. Sabi ko bago tumingin sa mga batang masayang naglalaro.
Sabagay, si Kuya nga bihira ko na din makita sa bahay. Sagot nito bago nilaro-laro ang mga paa niya.
Ai...gusto ko sana itanong sa kanya yung bagay na gumugulo sa isipan ko. May lakad ka ba sa weekend? Pwede mo ba ako samahan? Pag-iiba kong nalang na tanong sa kanya.
Hmm... wala naman. Sige, saan ba? Nakangiting tanong nito.
Ngumiti lang ako sa kanya bago tumayo. Isinantabi ko muna ang iniisip ko.
Kailangan ko magtiwala kay Ai.
Nagugutom ako. Tara! Libre ko. Nakangiti kong sabi sa kanya at hindi pinansin ang tanong niya.
Ngumiti naman siya at tumango.
Nagsimula na kaming maglakad palabas ng park.
Kung ano man yung tinatago sakin ni Ai.
Alam kong may dahilan siya.
Kailangan ko lang magtiwala sa kanya...
————————————————
[Aisha]
(Day passed)
Nakaupo ako ngayon sa kama ko habang nakasandal sa headboard.Napagod kasi ako kanina magpinta.
Nakailang paintings kasi ako kanina.
Napahinga ako ng malalim, ang bilis ko na mapagod ngayon.
Nakarinig naman ako ng ilang pagkatok mula sa pintuan ko kaya nilingon ko ito at bumungad sa akin si Kuya.
Base sa expression ng mukha nito ay mababakas mo ang pag-aalala kaya nginitian ko ito.
How are you? Tanong nito sabay halik sa ulo ko. Nabanggit sakin nila Mommy na napagod ka daw kanina. Nag-aalala nitong tanong sa akin. Mababakas mo sa mukha nito ang pagod dulot ng pagkabusy niya sa trabaho.