Picture #5

87 10 15
                                    

[Third person]
Nakangiting pinagmamasdan ni Jax ang kanyang laptop habang nag scroll sa mga picture na kinunan niya buong maghapon. Hanggang sa natigil siya sa picture ni Aisha, mas lalong lumawak ang ngiti nito ng maalala kung paano sila naging magkaibigan.

Ang ganda ng ngiti ng anak ko ah! May maganda bang nangyari? Nakangiting tanong ni Gail sa kanyang anak habang pinagmasdan niya ito mula sa pintuan ng kanilang veranda.

Wala naman po Mommy. Masaya lang po ako sa naging outcome ng mga shots ko. Nakangiting sagot ni Jax sa nanay niya at panandaliang nirestore down ang mga pictures.

I see. So, nakita mo ba ulit yung babaeng kinukwento mo sa akin? Agad napahawak sa batok niya si Jax na tila nahihiya dahil sa naging tanong sa kanya ng nanay niya.

Actually po, kasama ko siya kanina and friends na po kami. Lihim namang napangiti si Gail dahil sa inaakto ng anak.

Really? So, alam mo na ba kung anong name niya?

Hindi pa po. Agad naman naguluhan si Gail sa naging sagot ni Jax.

What do you mean? Diba sinabi mo na friends na kayo? Pero bakit hindi mo parin alam ang pangalan niya?

Yes po, friends na po talaga kami. Maybe hindi pa siya ganun ka tiwala sa akin dahil kakakilala lang namin. I can wait naman po for her to be ready. Ang mahalaga po she's my friend now. Nakangiting sabi ni Jax.

Aww ang sweet naman ng anak ko. I want to meet that girl. Kailan mo ba ipapakilala sakin iyang new friend mo? Nakangiting sabi ni Gail sa anak.

Soon Mommy.

Okay, asahan ko iyan ah! Sige na, ligpitin mo na yang gamit mo and tulungan mo si Mommy mag luto ng dinner natin. Pauwi na daw ang daddy mo.

Sige po Mommy susunod po ako sa inyo.

Nauna nang pumasok si Gail sa loob at naiwan si Jax. Agad kinuha ni Jax ang laptop niya at shinut down na ito para sumunod sa Mommy niya.
————————————————
[Aisha]
(A/N: ito yung time na sinundo siya ng kuya niya sa park after nilang mag foodtrip ni Jax)
Nang makarating ako sa lugar kung saan ako susunduin ni Kuya ay naabutan ko siyang nakakunot ang noo at naglalakad ng pabalik-balik sa labas ng kotse niya.

Huminga muna ako ng malalim bago lumapit kay Kuya.

Kuya. Mahina kong tawag dito.

Nang marinig niya ako ay agad niya akong nilingon. Nang makita at malapitan niya ako ay agad niya akong niyakap.

Gahd!! I'm so worried. Why you're not answering my calls? Humiwalay ako sa yakap ni kuya at tiningnan siya.

Hindi ko narinig yung phone ko, Kuya. Sorry. Napabuntong-hininga naman si kuya ng malalim.

Okay lang, wag mo nalang ulitin iyon. Sobrang nagworry talaga ako. Tumango nalang ako kay kuya bilang sagot.

Pinagbuksan na ako ni Kuya ng pinto at agad naman akong sumakay.

Nang makasakay na si Kuya ay agad niyang pinaandar ang sasakyan.

Kamusta yung pag paint mo? Tanong ni kuya sa akin habang focus ito sa pagmamaneho.

Napangiti naman ako ng maalala yung paiting ko.

Okay naman kuya, for sure magugustuhan ito ni Mommy. Sabay pakita ng painting ko.

Sandali naman tiningnan ni Kuya yung painting ko. Agad kumunot ang noo nito na siyang pinagtaka ko.

Pangit ba kuya? Alanganin kong tanong.

SceneryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon