[Jax]
Nandito ako sa veranda namin at tinititigan ko ang laptop ko at malalim na nag iisip.Nak, okay ka lang ba? Agad akong napatingin kay Mom ng marinig ko ang boses niya.
Yes po Mommy. Nakangiting sabi ko.
Sigurado ka? Is something bothering you? You know, you can say anything to me diba? Tumayo naman ako at niyakap siya.
Yes, Mom alam ko po iyon. Well, it is not that big naman po. I just met a random girl couple of days ago, nung nagpunta po ako sa park to do my shoot. Napangiti naman si Mom.
So you're inlove anak? Nakangiting sabi nito sa akin.
Natawa naman ako. No Mom. Agad ko naman naalala ang mukha ng babaeng iyon. Well she's very beautiful but hindi po iyon yung gusto kong sabihin. Nakangiti naman si Mom sa akin.
Okay then tell me what's with that girl na nakapagpabothered sa anak ko.
Kinuwento ko naman kay Mom yung nangyari ng araw na iyon. So, hinahanap mo siya para gawing model at subject sa dream project mo?
Opo, kaso hindi ko na siya makita sa park. Tinapik naman ako ni Mom.
Don't worry nak, malay mo isang araw makita mo ulit siya. Nakangiting sabi ni Mom kaya ngumiti ako. Sige na ligpitin mo na ang mga gamit mo. Dinner's ready. Tumango naman ako kay Mommy bago niya ako tuluyang iwan. Kaya naman inumpisahan ko ng ligpitin ang gamit ko.
————————————————
[Aisha]
Nasa balcony lang ako ng kwarto at nakatanaw sa labas ng mansion namin nang dumating si Mae.Señorita Isha, pinababa na kayo ng Mommy ninyo para sa dinner. Napatingin ako dito kaya nginitian niya ako.
Ilang beses ko bang sasabihin sayo Mae na Isha nalang. Sabi ko dito.
Ngumiti naman ito. Sorry Isha pero kailangan kasi dahil trabaho ko iyon. Hindi ko naman pinansin si Mae at naglakad na papasok.
Pagkadating ko sa dining area namin ay nakangiti naman akong binati ni Mommy.
Sweetie, how's your day? Naupo muna ako bago ko siya sagutin.
Okay lang po.
What did you do today, Princess? Tanong ni Dad sa akin.
Wala naman bago sa ginagawa ko. Boring pa din gaya ng dati.
Sa kwarto lang ako Dad maghapon. Sagot ko sabay higop ng soup.
You didn't read books today, sweetie? Or yung favorite past time mo? Tanong ni Mom.
Hindi po. Hindi na sila muling nagtanong pa at kumain na kami.
Hindi ako galit sa parents ko sadyang ganito lang ang personality ko, tahimik at tipid magsalita. Boring at walang masyadong emotions. Wala akong magagawa I grew up like this.
Anak ng isang multi-billioner at successful na businessman na sinasabi ng iba na wala na akong dapat hilingin pa.
Siguro nga I have everything na tipong kahit hindi ko ginusto ay meron ako.
I love my family, especially my parents. They do everything for us. Sobrang overprotective nila sa akin at alam ko naman kung anong reason, para sa ikakabuti namin... para sa ikakabuti ko.
Sweetie, tomorrow your homeschool teacher will come okay? Pag-inform sa akin ni Mommy.
Okay po Mommy. Pagsagot ko kay Mommy.